Kinagabihan .....
"Zack, Stella kain na" tawag sa amin ni Yesha. Si Zack ay agad na pumunta ng dining. Ako naman ay kinuha yung phone ko.
Hanggang ngayon kasi wala pa si Stevan. Ni text o tawag wala akong narecieve galing sa kanya.
Tumayo na ako pero tutok parin ako sa aking cellphone. Halos mapatid na ako dahil hindi ako nakatingin sa daan. Papunta akong dining.
"Huy, kamukha mo na yang cellphone mo" sabi ni Yesha kaya naibaling ko ang tingin sa kanya.
Umupo na ako at linapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at nag simula ng kumain.
Nang matapos na kaming kumain ay si Yesha na ang nag hugas ng pinggan. Si Zack ay naglalaro ako naman ay lumabas.
Magpapahangin muna ako at hihintayin ko nadin si Stevan.
After an hour....
Nagbukas ang pinto at nakita ko si Yesha.
"Stella, anong oras na matulog ka na" sabi ni Yesha at tumango ako. Siguro tulog na si Zack tahimik eh.
Naglakad na ako papasok pero bago pa man ako tuluyan makapasok tumingin ulit ako sa likod ko pero wala. Pumasok na ako.
Dumeretcho ako sa kwarto ko. Hinilata ko agad ang katawan ko sa kama. Sobrang laki ng ngiti ko at ayaw mawala.
Kinabukasan....
Pagkamulat na pagkamulat ko ay si Stevan na kaagad ang bumulaga sa akin kaya napangiti ako.
"Goodmorning" bati niya at hinalikan ang noo ko
"Morning" umupo ako mula sa pagkakahiga ko.
Tumayo siya kaya tumayo din ako. Hinila niya ako pababa.
"Teka nga" hindi siya nakinig. Binitawan na niya ang kamay ko nang makalabas na kami.
"I know your mad" sabi niya at yinakap ako. Pero tinulak ko siya hindi naman malakas
"Buti alam mo, hindi mo ba alam kung gaano ako nagalala sayo?" Nag cross arms ako.
"Sorry" sabay halik niya sa labi ng mabilis.
"Bro, hindi mo na dapat pinuntahan si Daisy" umalingawngaw ang boses ng isang lalaki.
"Jade, not now" ani ni Stevan sa mahinang tono pero rinig ko. Daisy? Sino yun?
"Teka! Sino si Daisy?" Tanong ko at nagtaas ng kilay kay Stevan
"Huh? K-kaibigan namin" palusot pa to eh pambabae yung pangalan.
"Bahala nga kayo jan!" Sabi ko at tumalikod, aakma na sana akong maglakad kaso....
"Ate Stella!" Tawag ng isang babae pamilyar yung boses niya.
Humarap ako at nakita ko si Maureen. OMG! My cousin is here! She's back! Waaaaahhh! Maureen.
Tumakbo ako papalapit kay Maureen at yinakap siya. I miss her so much.
"Kailan ka pa dumating?" Tanobg ko
"Kagahapon lang, binisita lang kita kasi miss ko na ang pinsan ate ko" sabay yakap niya ulit.
"S-sino sila?" Tanong niya at inangkla ko ang braso ko sa braso niya.
"Kapitbahay lang, lika na nga" sabay hila ko sa kanya.
Pumasok na kami ni bahay at nakita ni Maureen si Yesha at si Zack kaya nilapitan niya iyon. Yinakap ni Yesha si Maureen.
"Yan na ba ang cute kong pamangkin?" Tanong ni Maureen at tumango si Yesha.
"Hi baby, what's your name?" Tanong ni Yesha.
"Zack Evan Garcia" sagot niya. Wow! Full name talaga ah.
"I'm tita Abi Maureen Buenavista" sagot niya at nag hi-five silang dalawa. Ang sweet ni Zack yinakap niya pa si Maureen
YOU ARE READING
Love Instrument
De TodoStella Marikko Del Sierro Blake John Sky Clifford Please follow me on: Wattpad: jusy_sayin