"Ninang can i play with Neon after i take a shower?" Tanong ni Zack
"Zack you need to rest na tomorrow nalang" sagot ko at tumango siya.
Pinaliguan ko na si Zack, hinanda ko na rin yung damit niya. After niyang mag shower ay binihisan ko na siya. Pagkatapos ay lumabas na ulit siya papunta kay sa bahay ni Stevan.
"Zack, don't run" utos ko pero hindi siya nakinig kaya hinabol ko siya.
Nakita kong karga na ni Stevan si Zack.
"Zack let's go na" hingal kong sinabi.
"No! I want tito!" Nagkatinginan kami ni Stevan
"Zack!" Narinig ko ang boses ni Yesha, hay thank goodness.
"Mommy!" Binaba ni Stevan si Zack, tumakbo naman si Zack papalapit sa mommy niya.
Bigla akong inakbayan ni Stevan at nakangiti pa.
"Ano yang ngiti na yan?" Tanong ko at tumingin siya sa akin.
"Wala, ang cute kasi para tayong family kanina" sagot niya
"Sagutin mo na kasi ako para maanakan na kita" putek tong ugok na to! Sobrang pilyo masasakal ko to eh!
"Bastos ka talaga!" Inalis ko ang pagkakaakbay niya at pumasok ng bahay ko.
Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Binuksan ko din yung aircon para malamig.
"Baby!" Narinig ko ang boses ni Stevan. Baby? Ampucha talaga oh!
Pumunta ako sa terrace ay nakita ko siyang naka pangalumbaba.
"Anong sabi mo?" Tanong ko at nag cross arms lang ako.
"I love you" mas malala! Takas ba to sa mental?
"Gusto mong sugurin ulit kita?" Tanong ko at tumango siya. Aba't gusto ata nitong mabanatan.
Pumasok ako sa kwarto ko at ibinagsak ang aking katawan sa aking kama.
"Stella Marikko Del Sierro!" Sigaw niya sa buong pangalan ko.
"Ano?!" Sigaw ko pabalik at nag takip ako ng unan sa aking tenga.
Tinignan ko ang cellphone ko at may 39 missed call na! Tinignan ko iyon at unknown number nanaman sino ba to?
Tinawagan ko yung unknown number at agad iyong sumagot. Pumunta ako ng terrace para mas marinig siya maingay kasi sa baba.
"Hello Stella?" Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa telepono.
''Sino to?" Tanong ko
"Ako to si Blake manliligaw mo" Blake? Paano niya nakuha number ko?
"Blake? Ikaw pala yan, narecieve ko yung necklase na bigay mo, thank you ha kamusta ka na?" Sabi ko.
"Eto ayos lang nasa pampanga ako ngayon kakauwi ko lang nung isang linggo galing sa new york" paliwanag niya.
"Ah ganon ba, ako dito pa rin naman" sagot ko
"Pwede ba kitang dalawin diyan kahit minsan lang?" Tanong niya at nakita ko si Stevan na nasa terrace niya pinapanood ako.
"Oo ba," sagot ko.
"Oh sige bye kita tayo bukas" at binaba ko na ang phone ko. Pumasok na ulit ako sa kwarto ko.
Yung unknown number pinalitan ko na ng Blake. Biglang may kumatok kaya binuksan ko agad iyon. Nakita ko si Yesha
"Hinahanap ka ni Stevan" sa dinami dami ng pwedeng sabihin nasama talaga si Stevan
"Sabihin mo tulog ako" sagot ko at tumawa siya.
"B-bakit?" Tanong ko at nakitawa narin ako pero actually it's a fake laugh

YOU ARE READING
Love Instrument
NezařaditelnéStella Marikko Del Sierro Blake John Sky Clifford Please follow me on: Wattpad: jusy_sayin