Hot seat

51 0 0
                                    

Chapter 21

Enrico

Since nung nakilala ko si Eula, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Nung una naawa lang ako sa kanya sa nakita niya sa party. Pero ngayon parang gustong gusto ko na siya protektahan.

Alam kong alam niyo na playboy ako. Oo, marami na akong babaeng naloko. Pero itong nararamdaman ko ngayon, totoong totoo. Tang*na.

Sa dinami dami ng babae si Eula pa. Aba ang tindi rin ng tadhana. Arrrgh!

"Lalim ng iniisip ah!"

Napatingin ako sa kaliwa ko. Kasama ko pala si Eula hindi ko manlang napansin.

"Hindi naman." Maikling sagot ko.

Nabalot kami ng katahimikan. Siya nag aaral ako naka sandal at nakapikit. Mas mabuti nang mag-aral yan baka hindi nanaman pumasa sa exam nila tulad nung nakaraan.

"Enrico..." Untag niya habang nag babasa siya ng libro.

"Hmmm.."

"Si Trey kasi.."

Anu nanaman ang ginawa sa kanya ni Trey? Kahit kaibigan ko yun sasapakin ko. Wag niya lang nanaman paiyakin si Eula. P*ta. Ano bang iniisip ko? Tsk!

"Nililigawan niya na ako!!! Yiieeeee."

"Ano?!"

Napalakas ata ang boses ko. F*ck! Oo alam kung hindi pala sila mag jowa ni Trey. Tsk! Sasaktan lang siya ni Trey. Hindi ako sure pero yun ang iniisip ko. Tsk!

"Ano ba! Wag kang sumigaw." Saway niya.

Nag iba ang mood ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong nainis. P*ta! Ano ba tong inaasal ko. Nakakapanibago hah! Tsk.

"Alis na ako."

Tumayo na ako para umalis kasi naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

--

Eula Pov

Ano ba yun si Enrico. Bigla bigla nalang umaalis. Naiwan tuloy ako dito. Uwwaaaaah! >////< Mag isa nalang ako. Tsk!

Lagi nalang akong iniiwan ng lokolokong yun! Bahala siya sa buhay niya.

Tumunganga lang ako dito sa library kasi wala rin naman akong gagawin. Boring din kung magbasa ako kasi i'm sure makakatulog lang ako.

Wala na rin naman pasok kasi Next week sembreak na. Tapos na rin yung exams namin at hinihintay ko nalang yung result nung mga test.

Ng dahil sa kakatunganga ay nakatulog na pala ako ang huli ko lang naalala bago ako makatulog ay may nakiupo sa tabi ko.

Luminga linga ako kung andiyan pa ba yung lalaking nakiupo pero wala. Ayyy! Bahala na.

Umuulan ng malakas at naiwan ko pala yung payong ko kaya tumakbo ako papunta sa classroom. Dumidilim na kaya minadali ko ang pagpunta sa classroom, buti nalang at hindi pa naka lock kaya agad akong pumasok at kinuha yung payong ko sa ilalim ng desk.

Lumabas na ako at nagmadaling maglakad sa hallway. Marami pa naman akong nakakasalubong na estudyante, siguro ay yung mga pang night class ata sila.

Nag abang ako sa waiting shed ng jeep para masakyan pauwi. Ang lakas lakas pa naman ng ulan. Basa na rin ako.

Pumapara na ako ng jeep ng biglang huminto ang Mercedes ni Trey. Napatitig ako sa kotse niya. Tinted ang bintana kaya hindi makikita ang loob. Binuksan niya yung pinto ng front seat.

"Get in. Baka mag kasakit ka diyan." Aniya. Sumakay naman ako agad.

Ibinigay niya sakin ang isang puting tuwalya. "Mag punas ka. Basang basa ka baka magkasakit ka." At bigla nalang kumalabog ang puso ko dahil sa reaksyon niya dahil basang basa ako.

Napangiti naman ako sa kanya kasi concern siya sakin. Pinusan ko lang ang sarili ko.

Tahimik, nakakabingi. Tanging patak lang ng malakas na ulan ang maririnig mo.

"Salamat." Untag ko na nagpabasag sa katahimikan.

"Bakit ba ngayon ka lang nakauwi? Mabuti nalang at nakita kita." Aniya habang diretso lang sa pagmamaneho ngunit naka kunot noo.

"Nakatulog kasi ako sa library. Malay ko bang matatagalan ako sa pagtulog at umulan pa."

Kung sana hindi ako iniwan ni Enrico ay hindi ako makakatulog. Asan na ba yung asungot na yun? Ah bahala siya sa buhay niya.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ng lumabas si Nanay(Auntie Lucy).

"Oh Eula buti at naka uwi kana. Sini yang naghatid sayo?" Bungad ni Nanay habang isinasara ang bakery.

"Nay, si Trey po yan."

"Oh Iho. Halika pasok ka muna. Dito kana kumain." Aniya.

Ngumiti si Trey at bumati ng magandang gabi. Ang akala ko ay tatanggihan niya ang alok ni Nanay pero sumangayon siya.

"Tara na?" Aniya.

Feel na feel naman niya hah! Pumasok na kami at agad tinignan ni Uncle si Trey. Pati na rin si Cheska napatingin.

"Magandang gabi po." Sabi niya kay Uncle na ngayon ay umupo sa sala.

"Nanliligaw ka ba kay Eula?"

"Uncle!" Baling ko kay uncle.

Napalunok naman ako ng laway. Grabee. Yun talaga agad ang dapat itanong?

Ngumisi si Trey at tumingin sakin. "Kung okay lang po sa inyo." Aniya.

Tumingin ako kay Nanay at kay Cheska na ngayon ay nakikinig sa pinag uusapan ni Uncle at Trey.

"Wala akong problema sa panliligaw mo sa pamangkin ko. Sana lang ay hindi mo siya saktan. Nakita ko na si Eula na nasaktan sa kanyang dating nobyo. Sana ay 'wag mo siyang paiyakin." Sabi ni Uncle na ngayon ay nakatitig sakin.

Kahit na si Trey ang kausap ni Uncle ay pakiramdan ko ay parang  akong nasa hot seat. Jusme! Lakas maka speech ni uncle.

"Opo sir. Promise po 'di ko sasaktan si Eula. Makakaasa po kayo." Sabi niya at tumango tango.

Lumapit ako kay Cheska na nasa kusina na at naghahanda para sa hapunan namin.

"Nanliligaw na talaga hah! Lumelevel up kayong dalawa, couz!" Sabi ni Cheska at kinuha yung mga pinggan.

"Level up ka diyan. Pero okay na din."

Tinulungan ko si Cheska sa paghahanda ng pagkain. Hmmm. Buti mayroon ng pabirito kong ulam. Menudo! Yeeey.

Kumain kami ng matiwasay. Hahaha. At mukhang masaya sila dahil dito kay Trey. Close na agad sila ni Uncle at Nanay. Ginagamitan ata niya ng charms niya.

"Masarap ba iho? Pasensya na at yan lang ang naihain namin. Hindi kasi namin alam na isasama ka ni Eula." Sabi ni Nanay.

"Okay lang po. Masarap naman po yung luto niyo. Lalo na po yung menudo." Aniya at sumubo ulit ng pagkain.

"Kain ka lang. Masarap 'yan kasi masarap si Nanay magluto." Sabi ko at nagtawanan naman sila.

Napalingon kami ng may dumating.

Kuya James!

Napangiti naman ako kasi andito ang pinsan ko. Okay na rin para makilala niya si Trey.

"Oh James. Napadalaw ka." Sabi ni Nanay.

Tumingin si Trey kay Kuya James at kumunot ang kanyang noo. Problema nito kay kuya James? Psh

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon