YBU first day

104 2 0
                                    

Chapter 1
Eula

Hello I’m Eula Jimenez. They call me “Eu” as in “Eyou”. Ako’y isang babae na hindi kagandahan pero napapalibutan ng mga gwapong nilalang. Echosss lang! Mga gwapong nilalang tulad ng ipis ng feeling butterfly na lumilipad-lipad dito sa kwarto ko. Isa akong babae na naghahhangad na mabago ang boring kong life. Aist!

 Nakatira ako ngayon sa aking tiyahin dahil nag ibang bansa ang Mama ko. Ang Papa ko naman ay namatay dahil sa sakit. Wala akong mga kapatid, kaya mag-isa akong naninirahan sa Auntie ko.

        "Eu! Labas kana baka mahuli ka sa klase mo." Sigaw ni Auntie na naiinis na dahil sa tagal kong magbihis at lumabas sa kwarto.

        "OPO NAY! 5 MINUTES NALANG!"

 Taena. Hindi ako mapakali sa kwarto ko kung ano ang isusuot ko at first time ko rin pumasok sa isang magarang University. At saka mahirap din habulin ng tsinelas ang mga ipis kaya natagalan ako. Tss.

 Scholar ako sa YBU (Yellow Belt University) , Tss. Matalino ata ‘to no! Hihihi.

Habang hinahanap ko kung saan room ako papasok ang dami kong nasasalubong na mga babae na ang gara ng suot. Aist! Para naman akong Tibs nito.

 Iniisa-isa ko ang mga rooms, at sa wakas nga nakita ko na ang classroom na papasukan ko. Pero late na yata ako kaya naman... 

        “Hi Sir! GoodMorning. I'm sorry i'm late.”

Pinag tinginan ako ng mga ka-klase ko. Nyemas! Late lang ako di ako criminal!

        “Hindi ko gusto na may na-lalate sa klase ko! Take your seat.”

Naghanap agad ako ng mauupuan at dun sa huli may nakita ako. Yeyy!

Pagkatapos ng klase namin dumiretso ako sa locker ko. Oo may locker kami. Wag ka!

 Ilalagay ko na sana ang mga gamit ko nang biglang may nagtanong sakin kung nasaan daw yung Admin Office. Gwapo siya cute yung mga mata, ang tangos ng ilong,  maputi at matangkad. Nag mukha tuloy akong pandak. T___T Hindi kaagad ako nakasagot na para bang na pipi na di makapag salita.

 Eula Jimenez. May pipi bang nagsasalita?

Anubayan. Pati sarili ko binabara ko na.

         “H-Hindi ko alam e! B-bago palang kasi ako dito.”

        “Pwedi mo ba akong samahan? Baguhan rin kasi ako dito.” Pakiusap niya sakin. Syempre pumayag ako. Sayang yung chance gwapo pa naman. *0*

 Ang landi ko. 

        “Oo sige. Samahan na kita papunta dun.”

Nginitian niya ang ako. Shettt! Bakit ang gwapo niya? Ghad.

        “Ako nga pala si Trey Tañada. Engineering ang course ko. Ikaw?”

        “Ha ako? I'm Eula Jimenez. Architecture student.”

Tapos nag shake hands kami. Eeiiii. Ang lambot ng kamay niya. Eee. Chansing much?

Dumating na kami sa Admin Office at pumasok siya. Naghintay lang ako sa labas. Matapos ang ilang minuto lumabas na siya.

        “Tara na?”

Hinigit niya ako. May lahi pala tong pagka Sadista e!

        “Teka. Huwait! San tayo pupunta?!”

        “Libre na kita lunch. Total sinamahan mo naman akong hanapin ang Admin Office. Saka salamat pala.”

Ngumiti nanaman. Hayy! Ang swerte ko lord at nakatagpo ako ng lalaking mabait at gwapo.

        “Sige ba. Basta libre. Dapat di tinatanggihan ang libre.”

 Nilibre niya ako ng Burger.Coke.Fries sa Jollibee. Nasa tapat lang ng school namin yung Jollibee e!

 Ang saya niyang kasama, makwento at palabiro. Pagkatapos naming kumain inihatid niya ako sa room namin at umalis na siya. Akalain mo ‘yun! Isang araw palang ko dito sa YBU at may nakilala na agad ako.

 Pagkauwi ko agad akong sinalubong ng pinsan  kong si Cheska. Chinika ako kung ano daw ang nangyari sa first day ko sa YBU. Sinabi ko sa kanya lahat pati narin ang pagkakakilala ko kay Trey.

 Syempre agad nag-react ang loka at tinatanong kung gwapo si Trey. Sinabi ko namang 'Oo'. Totoo naman at hindi ko naman maitanggi.

 Kilig na kilig naman ‘tong pinsan ko sa kwento ko pero ano naman ang nakakakilig dun e sinamahan ko lang naman yung tao at nilibre niya ako ng lunch. Haay! Buhay nga naman parang life. Haruu Jusko! 

(A/N: Ang bilis ni Eula makatagpo ng gwapo no? Hehe. Swerte!)

Edited 12/19/2014

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon