Am i ready to love again?

66 0 0
                                    

Chapter 5
Eula

Lagi pala akong kinukwento ni Trey kay Kent? Nako! Baka siniriraan ako nun. Pag nagkataon, naku! Malilintekan siya sakin. Hahaha.

Papunta kami ngayon ni Yanna sa mall para maglibot-libot. Wala na rin kaming pasok dahil wala ang prof. namin. Ang dami gustong bilhin ni Yanna. Palibhasa mayaman.

“Eula. Bagay ba sakin? San mas bagay ito o ito? Dito sa hells, Ano mas bagay yung red or black? Or ito nalang kaya....” Masaya niyang tanong. Halos lahat gusto niyang bilhin. Saka lahat naman bagay sa kanya.

“Diyan sa damit siguro yung isa, saka sa hells yung pula. Atsaka ang rami mong tanong dahan dahan lang. Lahat bagay sayo.” Sabi ko sa kanya habang hawak hawak yung napili ko sa kanyang damit at hells.

“Naku Eula. Wag mo akong pinag bo'bobola. Psh! Eto nalang. E ma'makeover kita!” Pakindat-kindat niyang sinabi at naka akbay pa. Huh!

Eto na nga. Pinagsuot ako ng hells at above the knee na dress. Kulay pink at ang cute! Aist!

Ang  ikli at ang taas ng sapatos na suot ko para akong hindi makakalakad saka mahirap mag balance. Haay! Ano ba to! -___-

“Okay. One...Two...Three.” Bigla niyang binuksan ang mata niyang tinatakpan ng kanyang kamay.

“Oh my, Eula you look so wonderful. Pero teka may kulang pa. Ahmm... Let me think! Perfect! Kailangan mo ng tiny make-over.”

Dinala niya ako sa isang parlor. Ang ganda ng parlor pink and violet ang kulay. Waaahh! Ang cute cute. Eee.

Lahat ng mga staff sa salon ay kilala si Yanna. Ang bait pa nila sa kanya. Binati kami ng mga tao sa parlor at lahat sila nakangiti.

“Hi Miss Yanna. What can we do for you?” Tanong ng isang hair stylist.

“I want you to make her more gorgeous than she is.” Sagot ni Yanna sakanya habang tinuturo ako.

Pinapupo ako sa mechanical chair at linagyan ako ng lipstick and lip shiner. Binutingting ang buhok. Ewan ko kung anu pa ang inilagay sakin. At yun! Matapos ang isang oras. Tada! Tapos na.

“Eula you look great. Ang ganda mo. Sabi ko pa sayo e babagay ‘to sayo.” Pag pupuri sakin ni Yanna. Lumabas na kami sa salon at nagpunta sa isang fast food chain para dun na kami gumawa ng mga assignments dahil free wifi naman.

Nag-order na kami ng makakain at gumawa ng assignments. Biglang nagsalita si Yanna.

“Alam mo friend bagay kayo ni Trey.” Seryosong sabi niya. Na-schock ako pero di ko lang pinahalata.

“Ha? Bakit mo naman nasabi?” Pagtatanong ko sa kanya. Umiling siya at nagsalita.

“Friend, bagay kayo. Basta ewan. May chemistry lang akong nararamdaman sa inyong dalawa. Saka parehas naman kayong single. Okeng Okay kayong dalawa.” Pagkasabi niya nun, parang may kumirot sa puso ko. Ahhh! Ayoko ng nararamdaman ko.

“Alam mo Yanna. Gutom lang yan. Saka malay mo may gusto na siyang iba. You know.” Pagkasabi ko nun agad niya akong tiningnan at hinawakan ang kamay ko.

“Paano kung ikaw ang gusto niya? Friend sayang ang pagkakataon. Perfect guy na siya sayo. Isipin mo nalang, wala ng lalaking gaya ni Trey. Kung meron man konti nalang. Chance mo na mainlove ulit.” Gusto talaga niya si Trey sakin. Oo, perfect guy si Trey. Ayoko lang maging miserable ang buhay ko pag nagmahal ako ulit.

“Ewan ko sayo Yanna.”

Umuwi na kami ni Yanna at hinatid niya ako dahil one way lang naman ang bahay nila sa amin. Quarter to eight na ako naka uwi. Agad akong tinanong ng Nanay  ko, ba’t iba ang suot ko at may make up pa. Si nanay talaga oh! 

“Wow Eu. Ang ganda ganda mo ngayon anak. Sino ba ang date mo?” Naka ngising tanong nito habang pinaikot ako para makita niya ang likod ng damit ko na suot.

“Si Nanay talaga oh! Di naman ako nakipag-date e!” Sagot ko kay Nanay. Habang pinagtatawanan ako dahil daw mukhang may date na ako. 

“Sus Eu. Alam ko naman ang ganyan. Pinagdaanan ko na rin yan. Saka kung maiinlove ka piliin mo talaga yung taong aalagaan ka at hindi paiiyakin. Okay lang naman mailove ulit, pero sana tama yung pipiliin mo. Tandaan mo ang mga paalala ko sayo iha.” Ramdam ko si Nanay habang nagsasalita siya. Alam kung gusto niya na tamang lalaki ang mamahalin ko. At ayaw lang niyang masaktan ako sa bandang huli. 

“Wag kang mag alala Nay, Alam ko ang tama at mali na gagawin ko.” Sagot ko sakanya . Lumapit naman si Cheska na nakikinig dun sa pintuan. 

“Ma, alam na ni pinsan ang mga dapat niyang gawin. Ano ka ba Ma. Wag kang mag alala.” Sabi ni Cheska kay Nanay habang naka akbay siya sa Mama niya. 

“Oh, kita mo na Nay. Sige na ho! Punta na ako sa kwarto ko... Ay! Kumain na po pala ako. Goodnight Nay. Good night Ches.”

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pang tulog. Agad naman tumunog ang cellphone ko, nag text pala si Yanna.

From: Yaaahhnnna

Sis, Maysasabihin ako sayo bukas. :)

Nag isip ako kung ano ang sasabihin sakin bukas ni Yanna. Pero wala, wala akong maisip. 

(A/N: Tae much po tong update na to! Sorry po. Not proofhead i'll fix them later. Thankyou. Bow!)

Edited 12/19/2014

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon