Hidden Memory of Flashback

52 0 0
                                    

Chapter 9

Eula

Ilang linggo na rin di nagpaparamdam si Trey sakin. May problema ba siya o busy lang siya. Siguro nga kasi malapit na ang intrams at maglalaban nanaman ang university namin sa ibang school. Itext ko kaya? Sige ittext ko.

To: Trey

Hi. Busy ka ngayon? :)

2 hours later. Wala pa din reply. Di naman siya ganon. Ah ewan. -_-''

Lunch na namin kaya papunta na kami ni Yanna sa canteen ng makasalubong namin si Trey. o__O

May kasamang babae?

Ewan ko pero parang sumikip ang dibdib ko nang makita ko siyang...May kasamang iba.

Oo. OA man tong nararamdan ko... ayoko.

Ayoko ng nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan. Di ba dapat matuwa ako? Kalma Eula. Di kapa sure kong girlfriend ba talaga niya.

"Oh! Eula..." Nakangiti siya, mukhang masaya sila. "...Eula,Yanna. Girlfriend ko pala."

Mali to. Maling mali. Bakit? Bakit ako nasasaktan? Masakit. Nararamdaman ko yung sakit nung nawala si Mikko...

Flashback....

"Babe. Happy second anniversary satin. Kitams tumagal tayo ng 2 years." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko at nag ba'back hug.

"Happy second anniversary! :""D Kita mo nakaya kong tiisin lahat ng kalokohan at kakulitan mo. I love you to bits Mikko ko." Sabi ko habang kiniss ko siya sa cheeks.

"Ang sweet ng girlfriend ko. Swerte-swerte ko naman. Sige tulungan na kitang lutuin paborito kong spaghetti na gawa ng Babe ko. Yeey!"

Binaback hug niya ako, yun.lang daw kasi kaya niyang gawin kasi hindi siya marunong magluto. Pero okay lang yun.Mahal ko naman to! :"">

"Babe. Ito na oh! Tikman mo dali." Excited kong sabi.

"Hmmm. Sarap parin babe. Upo kana diyan, ako na kukuha ng pinggan."

Kumuha siya ng pinggan at juice. Ngiting ngiti siya sa ginagawa niya. Uh! Ang gwapo ng boyfriend ko. ^__^

"Kain na tayo. Subuan na kita. Yeey!"

"Sige ba. Hihihi. Gwapo mo Mikko ko." Tapos kinurot kurot ko yung pisngi niya.

"Babe, sana ganito tayo lagi. Yung laging masaya. Walang inaalalang problema. Yung hindi tayo mapaghihiwalay kahit anong mangyari." Malungkot niyang sabi habang hinahawakan yung kamay ko.

"Ano kaba, syempre pwedi mangyari yun. Wag mo na ngang isipin yun at kumain ka na."

Kumain lang kami. Nagsubuan. Nagkwentuhan tungkol sa universe. Kung ano ang mangyayari pag 2050 na. Kung may dadating na bang alien sa mundo. Alam ko weird pero ganun kami e!

"Babe." Bulong niya.

"Hmmm?"

"Lapit ka dito." Tapos binack hug niya ako at may inilabas na pulang sisidlan. Rectangle yung shape.

Hinawi niya yung buhok ko at....

Nilagyan ng kwentas. Ang ganda. Heart yung pendant at madaming diamond. Di ako sanay ng ganito.

"Mikko. 'di ko matatanggap to! Mukhang mamahalin. Hindi ako sanay magsuot ng ganito. Pasensya ka na."

"Ano ka ba babe.Wag kang mag-alala. Para sayo yan. Yan ang magiging palatandaan ko sa buhay mo. Pag nawala ako, yan ang magsisilbing ako. Para lagi mo akong kasama. Para lagi kitang mabantayan. Alam mo yan. Lagi lang ako nandito para sayo. I love you Eula Jimenez ng buhay ko."

Naramdaman kong may tumulo na luha sa balikat ko. Ayokong umiyak siya. Pero naiyak narin ako sa sinabi niya. Ano ba yan!

"Wag kang magsalita nang ganyan. Ayoko nang ganyan."

Pinunasan ko yung luha niya at kiniss niya ako sa noo.Ang sweet ng boyfriend ko. :">

"Babe, Aalis na ako. Ingat ka lagi ha? Tandaan mo mahal na mahal kita." Hinug ko siya at umalis na siya.

"Bye babe. Ingat ka!" Sigaw ko.

**

The next day...

Maaga akong nagising dahil sa ingay sa baba. Syete. Ano ba may natutulog kaya.

Naghilamos muna ako at nagsuklay ng buhok. Napansin kong may sulat sa tabi ng kama ko. Galing kay Mikko.

To Eula ko,

Hi Babe, pasensya ka na sa akin ha? Sorry sa mga kasalanan ko, pati na rin sa kakulitan. Thank you for loving me, MAHAL KITA SOBRA. Sorry if ganito ang mangyayari ingat ka lagi ha? Lagi kitang babantayan. Sana wag mo akong kalimutan kahit na mag mahal ka ng iba. Wag mong iwala yung kwentas na bigay ko sayo. Alagaan mo ang sarili mo kasi sobra kitang mahal. Wag kang iiyak ha? Ayokong makita kang umiiyak. Gusto ko lagi kang naka ngiti. Salamat sa lahat Babe, Last na ito kaya susulitin ko na ang pagsabi ng Babe. Mahal kita Babe. Thank you for everything."

                              Love,

                           Mikko.

Gumuho lahat ng pangarap ko para saamin. Bakit ngayon pa niya ako iniwan? Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. Ayoko. Ayoko. Lord ibalik niyo po si Mikko. Ayaw ko pong wala siya. Hindi ko kaya...

End of flashback...

"Hoy Eula, Nakatulala ka." Bumalik lang ako sa katinuan ko ng siniko ako ni Yanna. Syete.

"I'm happy for both of you. Trey alagaan mo siya." Nagpeki ako ng smile para hindi halata na di ako masaya para sa kanila.

Hindi ako selfish pero bakit ganito?

Bakit ako nasasaktan ng ganito?

Masakit. Bakit sobrang sakit?

"By the way, i'm Michelle. Nice to meet you Eula."

"Sige una na kami. Maglulunch pa kami e! See you around." Sabi ni Yanna sa kanila. Umalis na kami. Alam ko ayaw ni Yanna makita ako ng ganito. Tss.

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon