Night

28 0 0
                                    

Chapter 37

Eula

Naghahanap ako ng pweding iregalo kay Trey ngayong exchange gifts namin nila ate Vervette. Kaya andito ako sa mall, kahit namumukhang tanga dahil mag isa ay keri pa naman.

Pumunta muna ako sa National Bookstore dahil may bibilhin akong libro. Regalo ko na kay Cheska. Bookworm kasi yun.

Fifty Shades nalang kaya? Oo nga 'no? Kinuha ko yung book 1 saka book 2. Panigurado magugustohan niya ito. SPG kasi ang babaeng yun.

Nang pipila na sana ako sa counter ay parang may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko muna pinansin kasi baka guni guni ko lang yun at baka hindi ako yung tinatawag. Haler! Hindi lang iisa ang Eula dito sa mundo.

"Eula?" Lumingon na ako sa tumawag sakin. "Ikaw nga!"

Napamaang nalang ako. Si Jelyn! Kaibigan ko nung High school.

"Grabe! Ang ganda muna." Aniya. Nasurprise ako dun, a.

"Echosera. Ikaw kaya!" Tumawa siya ng malakas. Hindi parin talaga nagbabago ang loka-lokang 'to.

Tumingin siya sa hawak kong libro at parang nashock. "My god! Nagbabasa kana ng Spg? Akala ko ba santo ka?"

"Sira! Hindi para sakin 'to. At FYI lang hindi ako santo." Binayaran ko na yung binili kong libro pero nakipag chismisan muna ako kay Jelyn.

"Hindi daw. Teka, wala ka bang kasama?"  Aniya. Obvious ba? Kahit kailan talaga... hmmp.

"Meron meron. Eto nga at katabi ko siya ngayon. Say 'hi' kasama ko." Umirap nalang ako. Ayun tumawa nanaman siya ng malakas. "Wait. Si Keino ba yun?"

Kumaway si Keino saamin or should I say kay Jelyn. Lumapit siya saamin at inakbayan si Jelyn.

"You two?...Kayo na?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Shet! Kasi naman parang aso't pusa sila nung high school pa kami at ngayon, aba! Love birds na.

"Sort of." Ani ni Keino at nagsmile kay Jelyn. Aww. Ang sweet. Naiinggit tuloy ako. Sana nandito rin si Trey para ipakilala ko sa kanila.

"E ikaw? Wala ka pa rin bang boyfriend?" Usisa niya.

"Hmm. Hulaan mo."

Itinutok niya ang kanyang hintuturo sa gitna ng noo niya. Napatawa nalang ako kasi para siyang ewan. "Meron na daw sabi ng instict ko."

I grinned. "Hala ang galing naman ng instict mo. Hahaha."

"Wait. Kailan pa naging kayo?" Ngayon ako naman ang magtatanong sa kanila.

"Last year pa." Simpleng sagot ni Keino at hinawakan ang kamay ni Jelyn. Napablush nalang itong loraket.

"Talaga? Sabi ko pa kayo mag kakatuluyan e."

"Pakipot lang talaga kasi ito kaya nagtagal muna yung proseso." Wika ni Keino habang nakangiti ng malapad.

"Heh! Kapal nito." Tinarayan siya ni Jelyn that made Keino strike a pogi pose. Aba iba rin trip nito. Haha.

"Sge na. Tuloy niyo na 'date' niyo. May pupuntahan rin kasi ako. So, bye for now." Ani ko para naman matuloy na yung date nila. Somehow I felt jealous. Nah! Forget it. Namimiss ko lang si Trey.

"Oh yes. Sige, Eula una na muna kami. And hihintayin ko makilala boyfriend mo, ha! Aabangan ko yan. Bye." Niyakap ako ni Jelyn then we bid goodbyes.

--

Nacutan ako sa bracelet na nabili ko sa Silver Works ito nalang ang ireregalo ko para kay Trey. I wish na sana magustuhan niya kasi hindi naman 'to mamahalin dahil hindi ko afford ang mga ganun.

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon