He will wait

73 1 0
                                    

Chapter 4
Trey

Monday nanaman. Makikita ko na ulit si Eula. Sana Lord! Makasabay ko siya ulit kahit sa entrance lang ng gate. 

Anak ng teteng. Kalalaki kong tao na ngangarap ako. Tsss. Ano bayan.

Tapos… Holy cow! 

Thank you lord. Tinupad ni lord ang hiling ko dahil sa hindi kalayuan ay nakita ko siya, Tumakbo ako papalapit sa kanya para mag kasabay na kami.

“Oy! Trey. Kamusta? Ikaw pala.” Pangangamusta niya sakin.

“Okay lang. Hatid na kita sa room niyo.” Pag iinsist ko sa kanya para pumayag . Medyo nahihiya pa siya pero pumayag naman.

“Sge.” Matipid na sagot nito. Inihatid ko siya sa room niya at pagdating nanim e biglang nagtinginan ang mga kaklase nito. Siguro naninibago o nakiki-usyuso lang.

“Salamat Trey sa pag hatid. Ingat ka.” Pasasalamat niya sa akin at pumasok na siya sa room nila. Agad na akong pumunta sa room ko at baka mahuli ako.

Pagkadating ko sa room sinalubong ako ni Kent. Si Kent nga pala ang lagi kong kasama simula nang nagsimula ang pasukan. Siya ang may alam ng lahat lahat. Pati narin yung pagkagusto ko kay Eula.

“Oy pare! Kamusta na yung pinopormahan mo? May first move kana ba?”

“Gago. Wala pa. Gusto ko munang magkakilala kami ng lubusan. Saka maganda rin yun kasi baka sabihin niyang pabigla-pigla lang ako. Ano pare? Maganda naman idea ko diba? Hehehe.”

Agad naman siyang nag approve sa plano ko. Dahil alam niyang kailan lang kami nagkakilala ni Eula.

“Alam mo pare, ang ganda ng plano mo. Pang best actor. Haha. Pero seryoso lang, hindi ba matagal pa yata ang hihintayin mo pag ganun?” Tanong niya sakin ng bigla siyang sumeryoso.

Ang weird niya minsan pero okay lang sakin yung matagalan ako basta makilala niya ako lubusan. Naks naman oh!

“Alam mo rin pare, wala sa katagalan yan. Basta alam mong kaya mong mag hintay para sa kanya. Ano bayan pare. Parang nag da-drama na tayo nito e! Tigil mo na nga ang pagtatanong.” Sabi ko sa kanya dahil parang teleserye na ang nangyayari.

Pumasok na kami sa room dahil dumating na ang prof namin. Para akong lutang ngayon kakaisip kong anu ang gagawin ko para makilala ko si Eula ng lubusan.

**

Lunch na. Dumiretso kami ni Kent sa Canteen para kumain. Gutom na rin ako dahil hindi ako nakapag almusal kanina dahil nagmamadali akong pumunta sa school.

Bumili na kami ng pagkain. Naghanap si Kent ng lamesa dahil mayroon nang nakaupo sa lamesang lagi naming tinatambayan.

 Tumingin ako kay Kent para sana senyalesan na maghanap ng bakanteng mesa pero… 

Bakit sobra ang ngiti ni Kent? Tae baka bakla to! Masasapak ko to!

“Bwesit pare. Ba't ang laki ng ngiti mo? Bakla ka no? Nagagwapuhan ka sakin?”

“Bakla agad di ba pweding kabayo muna? Ha! Fafa Trey?!” Sasaksakin ko to! Nag boboses bakla pa. Aahh! -____-

“Mapapatay kita!” Inis na sabi ko.

“Joke lang. Chill. Yun o! Dun na tayo umupo para mas mapalapit ka pa sa kanya.” Ngingiti ngiti siya habang tinuturo yung lamesa kong saan sila Eula at Yanna nakaupo.

Lumapit si Kent kung saan sila nakaupo. Sumunod naman ako. Nakng! Baka anong gawin ng pesteng to!

“Can we seat here? Wala na kasing bakanteng upuan e!”

“Sure why not may bakante naman diyang upuan.” Sagot sa kanya ni Yanna.

“Thanks! Ako nga pala si Kent kaibigan ako ni Trey...” Nakipagkamayan siya kay Eula at Yanna. “Ikaw siguro si Eula ang lagi sakin ikinukwento ni Trey. Hi! Nice meeting you.”

Tiningnan ko si Kent ng masama. Letseng to! Mabubuking pa ako.

“Ay! Oo ako yun, Nice meeting you rin.” Nag smile si Eula kay Kent at kumaway. 

Hoy! Ano kaba ba't mo itinatanong kay Eula’ yun. Tungaks ka? Paano pag nalaman niya? Tssss” Pabulong na saad ko kay Kent. Siniko ko si Kent pero ngumiti lang siya. Ano ba tong kaibigan ko. Todo pacute. Tsss.

Habang si Kent nakikipag kwentuhan sa dalawa. Ako? Busy akong kumain dahil nakaka-out of place si Kent. Saka gutom rin ako no! 

Habang pinagmamasdan ko sila ay halata ang tawa ni Eula sa mga jokes ni Kent. Sana mapatawa ko rin siya ng ganyan. Para naman akong bakla nito. Tch.

Ilang sandali pa tumayo na si Yanna at Eula at nag paalam dahil pupunta na sila room nila. 

“Sige Trey at Kent alis na kami. Saka Trey dahan dahan lang sa pagkain, Mukhang gutom ka yata.” Pagbibiro sakin ni Eula. Nahalata pa niya na gutom ako. Anu ba naman yan.

“Ha? Ah sige inat kayo.” Nagsmile ako sa kanya at habang paalis na sila tiningnan ko si Kent na abot tenga ako ngiti. Baliw na ata to!

(A/N: Alam ko po pangit ang update na to! Pero salamat sa tsaga. Thanks! :""> )

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon