Nagseselos?

54 0 0
                                    

Chapter 16

Trey

Nanalo yung team namin. Yes! Akala ko 'di ko ma sho'shoot yun. Akala ko din di manonood si Eula. Nandoon pala siya. Nag che'cheer. Nabuhayan ako no'n ng loob. Siya lang naman ang hinihintay ko e.Urgh! Too gay. -__-+

"Pare may party daw mamayang gabi. Victory party daw sabi ni coach. Magsama ka ng date." Sabi sakin ni Raven na may patapik tapik pa sa balikat ko.

Party daw. Sige isasama ko si Eula. Mabuti ngayon e. Pero sht! Di ko parin nakakalimutan yung nangyari sa birthday ni Kent. Walangjo!

"Pareng Trey. A'attend ka sa party mamaya?" Tanong sakin ni Kent.

"Oo."

"Sige. Ako rin. Isasama ko si Yanna." Parang baliw to minsan. Ang laki ng ngiti oh.

"Sige. Kita kits nalang tayo do'n. Alis na ako."

Umalis na ako sa cubicle at nagsimula maghanap kay Eula. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa party. Ngayon lang kasi gusto ko isama si Eula.

Kalahating oras na ako naghahanap pero wala parin. Asan na kaya tong babaeng to. Tsk!

Pumunta ako sa room nila pero wala daw. Sa Canteen wala rin. Alam ko na. Hay!

Naglakad ako papunta sa park. At tama nga ako nandun siya. Kasama si Yanna.

Nilapitan ko sila at nakiupo sa tabi ni Eula. Nung tumingin siya sakin nag blush. Ano kaya meaning no'n?

"Oh Trey, Ba't ka nandito? Congrats nga pala." Aniya habang kinakain yung chips.

"Oo nga Trey. Wala bang libre diyan?" Sabi ni Yanna na sobrang busy sa pagtetext. Sure akong si Kent yung katext niya.

"Salamat. Nga pala Eula, pwedi bang ikaw kasama ko sa victory party mamaya?" Tanong ko sa kanya. Sana pumayag alam ko naman rin kasi na ayaw niya yung mga party. Parehas kami.

"Ha? Ano e. Nakakahiya naman wa--"

Di pa siya pinatapos ni Yanna at sumingit.

"Oo sasama siya. Diba friend?" Tanong ni Yanna kay Eula.

"Ahh. O-oo s-sige." Sagot ni Eula. Yes! Buti naman.

Eula's Pov

Paano ngayon yan? Wala akong isusuot sa party na yan. Alam ko rin na mga sosyal yung nandun. Tsk! Eto kasing si Yanna e.

"Yanna naman kasi. Dapat di nalang ako sasama." Pagmamaktol ko sa kanya. Kainis!

"Hay nako friend. Taraa dali may pupuntahan tayo." Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya. Saan ako dadalhin ng babaeng to?

Matapos ang kalahating oras nasa tapat kami ng isang mall.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta kung saan ako dalhin ni Yanna.

"Ano pa. Edi mag sho'shopping." Sabi niya. Wait a minute kapeng mainit. Anu daw shopping? Wala akong pera.

"Wala akong perang pan shopping no!" Sabi ko. Hinila niya naman ako papunta sa isang store. Sadista talaga tong kaibigan ko.

"Don't worry. I'll pay for it naman. Basta maganda tayong dalawa sa party mamaya."

Kumuha siya ng mga damit. Pinasuot sakin. Pinabalik ako sa dressing room kasi pangit daw. Psh.

"Eto isuot mo."

Ini abot niya sakin yung isang black dress na hanggang talampakan yung haba. Kumikinang at may slit na hanggang kalahati ng hita ko. Ang elegante niyang tingnan. Super ganda.

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon