LQ?

33 0 0
                                    

Chapter 35

Eula

Last week na ngayon ng klase. Inaayos ko nalang yung mga exams ko and then bakasyon na.

Eto nga at kasama ko ngayon si Yanna pati narin itong si Kent. Hindi ko nga rin alam kung nasaan si Trey, hindi pa siya nagpaparamdaman sakin simula kaninang umaga. Sinusubukan ko rin i-text pero hindi naman nag-re-reply.

Kung nandito sana si Enrico sinasamahan rin niya ako ngayon. Pero okay na rin yung study hard siya sa Cali. at andito naman si Trey.

"Kent, nakita mo ba si, Trey?" Nagtataka na talaga ako. Hindi naman siya gano'n at kung may pupuntahan man siya ay ii-inform niya naman ako. Or busy lang siya?

"Hindi, e. Hinahanap nga siya ng mga ka-teammates namin kasi may meeting ang varsity ngayong 2 P.M."

Ngumiti nalang ako kay Kent. Baka busy lang. OA mo! Isip isip ko. Umupo muna kami dito sa bakanteng bench dito sa park. Eto namang dalawa puros kachisihan ang ginagawa nag mu-mukha tuloy akong third wheel.

"Alam niyo kayo, minsan nakakainis na yung pagiging sweet niyo." Sabi ko. Kasi naman, landi dito, landi doon, landi anywhere. Grabe! Minsan gusto ko na nga isilid sa sako 'tong dalawang ito.

"Ang bitter mo naman, friend. Porke't wala dito si Trey ay papairalin mo na 'yang ka-bitteran mo." Inirapan ko nalang si Yanna.

Hindi kaya ako bitter sadyang ayaw ko lang talaga sa mga PDA. Kasi naman, mayroon naman tayong tinatawag na 'Privacy' dito sa mundong ito.

Tumunga-nga lang ako do'n since wala rin naman akong gagawin. Mamaya pang 1:30 yung last subject ko kaya naman sa kasulok-sulokan ng utak ko ay napag desisyonan kong umalis muna at pumunta sa cafeteria. Kakain ako.

"Sama kami, please?" Nag puppy eyes pa si Yanna na ikinasimangot ko.

"Wag na. Kailangan ko ng kapayapaan." Sagot ko sa kanya at tinalikuran sila.

Nag order ako ng one box of pizza at large soda. Gutom ako kaya wala akong pakialam sa carbs.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay namataan ng mata ko ang bagong dating na diretsong nakatingin sakin. Mukha talaga siyang model saka maganda naman talaga itong si Ericka. Yup! Si Ericka.

Naglakad siya papunta sa table ko at hindi ko mapigilang hindi mabahala dahil baka bigla nalang niya akong tarayan at ipahiya. Pero knowing me, hindi ko papayagang gawin sakin yun.

"So, you're here, back and still breathing" Aniya. Tiningnan ko lang siya, habang siya nakataas ang kilay na tinatapunan ako ng mapangnuyang tingin.

"Anong kailangan mo?" Deretsa kong tanong sa kanya. Ngumisi siya at umupo sa bakanteng upuan ng dito sa table ko.

"Wala naman. Missed me?" She asked with sarcasm.

"Oh yeah right."

Agad akong tumayo at aambang umalis na. Wala akong mapapala kung makipag-usap lang ako sa kanya. Besides, malapit na rin magsimula yung panghuli kong class.

Hinawakan niya yung braso ko at pinanlisikan ako. "Never turn your back when i'm still talking to you, bitch. Not because you're already with Trey, doesn't mean you can act like a royal. Royal douchebag."

"Bitch." Sabi ko naikinawala ng poise niya. Napangising aso nalang ako. She starts this game? Well, let me end this.

"How dare yo--" Sasampalin niya sana ako kaso nasalo ko yung kamay niya. I've been through this, at masakit sa pisngi ang masampal kaya hindi ko na hahayaang masampal ako ulit.

Catch Me BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon