Tayo

14 3 1
                                    

Nagsimula tayo sa mga asaran ,
Hanggang sa nalaman ang nararamdaman,
Pareho lang pala ang syang nilalaman,
Nang pusong dating naiwan at sinaktan.

Lalong lumalalim ang ating pag-ibig,
Sa mga oras na ako'y nasa iyong bisig,
Bisig na nakapagpapawi ng lamig,
At lamig na humahaplos sa aking bisig.

Sa paglipas ng segundo kada araw,
Puso at isip ko ang laman ay ikaw,
At sa oras na lulubog na ang araw,
Ang gustong makita ng mata ay ikaw.

                      ~Imerosyc

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon