Realization

7 3 0
                                    


Sa una pa lang alam na
Na walang patutunguhan ang sinimulan nyong dalawa
Ngunit ika'y umasa
Na baka maaari, maaaring mapagtanto nya.

Pero sa paglipas ng panahon
Ika'y nanatili sa alaala nyong kanya ng ibinaon
Naaawa't nasasaktan
'Pagkat unti unti ko ng naiintindihan.

Pagmamahal mo sa kanya'y walang kapantay
Kung kaya't kahit ako'y hindi na nagiging matibay
Matibay sa emosyong aking natuklasan
Natuklasan para sayong gustong tulungan.

Ngunit ngayo'y akin nang naunawaan
Sa buhay mo'y kaibigan lang ang aking katayuan
Pagkatapos maipahayag
Puso't isipa'y parang lumuwag.

Ngunit sa paglipas ng panahon
Aking napagtanto kung ano ang naramdaman sayo ng nakaraang taon.
Pangangarap, paghahanap at paghanga
Pagkat sayo nakita, katangiang gustong panghabang buhay makasama.

Huli na ng napagtanto
Pero ako'y di na rin nanggulo
Alam kong pinipilit mong maging masaya
Kung kaya't ayaw ko ng gambalain ka pa.

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon