Bakit... Kasi...

17 3 1
                                    

Bakit hindi mo na ako pinapansin?
Bakit lumalayo ka na sa akin?
Bakit binabalewala mo na ako?
Bakit humantong tayo sa ganito?

Kasi nagtapat na ako sayo?
O baka kasi  hindi mo lang ako gusto?
Kasi nalaman mong may nagbibigay halaga sayo?
O baka kasi hindi totoo lahat ng mga pinakita mo?

Bakit ka ba nagbago?
Bakit ka ba nagkakaganito?
Bakit puro na lang sila ang inuuna mo?
Bakit hindi mo na binibigyang importansya ang mga bagay na mayroon tayo?

Kasi nagkaroon ng epekto sayo ang desisyon ko?
O baka talagang iyan ang tunay na ugali mo?
Kasi mas kailangan ka nila kaysa sakin?
O baka talagang unti-unti mo ng pinuputol ang ugnayan natin?

                  ~erosyc28

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon