Uy mga pre
Parang kailan lang tayo'y kinse
Di namalayan ang oras na dumaan
Nandito na pala sa hangganan.Ngayon lang pumasok sa aking isipan
Mga panahong tayo'y nagkakasiyahan
Ni hindi ko pinagtuunang pansin
Oras na dumaan sa mga kamay natin.Ngayo'y aking napagtanto,
Tayo'y magkakahiwa-hiwalay ng ganto.
Sa maniwala kayo o hindi,
Pakiramdam ko mag-isa na naman akong muli.Kayo ang aking naging takbuhan,
Sa mga problemang aking napagtagumpayan.
Ng dahil din sa inyo,
Naging makulay ang highschool life ko.Alam kong ating pagsasamahan ay hindi perpekto,
Pero akin itong pinapahalagahan at nirerespeto.
Away, tampuhan o iyakan man,
Pero alam kong sa huli nandyan tayo para magdamayan.Sa pagkakataong ito,
Ni hindi ko alam kung pano magsisimulang makisalamuha sa ibang tao.
Dahil nakasanayan ko ng kasama ko kayo,
Kaya tiyak na mahihirapan na naman akong makahanap ng kagaya nyo.Sana inyong pakatatandaan,
Panahon ay lilipas,
Pero ang ating pagsasamahan at pagkakaibiga'y
Mananatiling ganito at matibay.Sana sa susunod na taon
Wag kayong makakalimot, lalo na sa baon
Char hahaha lagi nyong tandaan,
Mahal na mahal ko kayo mga kaibigan.***********
A/N: Love you mga pre😘😭 miss you all😢