Kinatutuwa ng aking mga mata,
Kapag ngiti mo'y nakikita.
Pagod ko'y nawawala,
Maski galit ay naglalaho na parang bula.Ika'y laging nakikitang nakangiti,
Kaya puso ko'y sa saya ay sumisidhi.
Pero nang ika'y aking natitigan,
Puso ko'y unit-unting nasasaktan.Nakita ko sa iyong mga mata,
Ang lungkot at sakit na iyong dinadala.
Nalaman kong ika'y may sakit,
Pero kasiyahan sa iba'y hindi mo pinagkait.Akala ko'y masaya ka,
Dahil sa ngiti kong nakikita,
Yun pala'y panakip butas mo lang pala,
Para hindi namin malamang may dinaramdam ka.~erosyc28