Lihim

8 3 0
                                    


Simula pa lang naman,
Alam kong sa sarili ko'y mali na ang aking nararamdaman.
Kung kaya't nagpasyang kimkimin,
Aking imposibleng damdamin.

Nakikita kong may mahal na mahal siyang iba,
Nungit puso ko'y patuloy pa ring umaasa.
Kahit na ipilit ko sa sarili kong hindi na pwede,
Dahil may sobra siyang minamahal na babae.

Kung bakit ko ito naramdaman para sa kanya?
Hindi ko na rin mawari kung paano ito nagsimula.
Ang alam ko lang ay kaibigan ko lang siya,
Ngunit isang araw nag-iba na lang bigla ang tingin ko sa kanya.

Pinipilit na itago ito,
Upang hindi masira ang pagkakaibigang mayroon tayo.
Sana mabilis na mawala ito,
Dahil may siyam na buwan pang magkakasama tayo.

***************************

Lels hahaha puro drama na lang lahat wews XD

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon