Sampung buwang nagkasama
Sa maliit na kuwartong pinuno ng maraming alaala
Malungkot o masaya man
Tibay ng inyong pagsasamahan ay di mapapantayan.Unang tapak pa lang ay gusto ng magbakasyon
Ngunit ng nagtagal ay panay sabi ng "Di ako makakamove on!"
Nakakatawa mang isipin
Ngunit ganyan lagi ang lumalabas sa bibig natin.Sa una'y pakikisalamuha ay mahirap
Dahil mga bagong mukha na ang kaharap
Pag-aalinlangan ma'y di maiiwasan
Ngunit dahil sa bibong kaklase'y naibsan ang nararamdaman.Ngayong tapos na muli ang sampung buwan
Di na malaman kung paano ito wawakasan
Pagsisimula di'y pinag-iisipan na
Dahil dalawang buwan lang ay pasukan na....