Kaya pala....

10 3 1
                                    

Sinimulan mo sa iyong matatamis na salita,
Nung tayo'y unang nagkakilala,
At eto ako eh si tanga,
Agad-agad na sayo'y naniwala.

Dumalas ang ating pagtatagpo,
Kapag nakikita kita'y pagod ko ay naglalaho.
Hindi mo man sabihin,
Alam kong ramdam mo na ang aking lihim na pagtingin.

Panahon ay lumilipas na,
At ramdam ko ang iyong pagdistansya.
Hindi alam kung bakit ka nagkakaganito,
Pero tanong ko'y nasagot sa ating pagtatagpo.

Pinakilala mo ang isang tao sa akin,
Dahilan ng pagkadurog ng aking damdamin.
Iyong sinabi na sya'y iyong kasintahan,
At nalaman ko ring pareho kami ng pangalan.

Ngayo'y alam ko na,
Kung bakit ganoon ang iyong inasta,
Nung tayo'y unang nagkita,
Dahil pala sa akin ay naaalala mo siya.

              

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon