Nahahati ang desisyon,
Kung kanino ang mas mahalagang emosyon.
Nahahati ang nararamdaman,
Sa sarili at sa mga may kinalaman.Iniisip kung ano nga ba ang tama,
Intindihin ang sarili o ang makisama?
Makisama sa nagbago ng samahan,
Dahil sa isang pangyayaring humantong sa tampuhan.Inis, pagod, lungkot at pagiging mag-isa
Ramdam na ramdam ko sa tuwing kayo'y aking naaalala,
Mga samahang dati saki'y nagbibigay ngiti,
Ngayo'y nalulungkot na lang at sinisisi ang sarili dahil sa nangyari.Kung sana ba hindi na lang ako naging palakaibigan,
Ating samahan ba'y matibay pa rin at puno ng kasiyahan?
Pasensya na kung ako'y ganitong tao,
Nanghihinayang na ako ang nagpabago sa ating grupo.*********