Dati

3 3 0
                                    


Ang akala ko noon,
Sakit at lungkot ay mararamdaman lang dahil sa nasirang relasyon.
Ngunit bigla na lang nag-iba ang aking inakala,
Simula ng sinagot mo ang tanong na halos ibaliwala.

Rason mo'y dahil ako'y may bago,
Bagong kaibigang ipinagpalit sa inyo.
Ngunit di mo ba nakikita?
Pagmamahal ko sa inyo'y walang makakasira.

Kaibigan pa rin naman ang turing ko sayo,
Kahit ang pansinan o tinginan ay di na magtagpo,
Pero dahil sa sagot mo'y ako'y may natanto,
Natanto na ako'y di na kabilang sa ating grupo.

Nag-iisang grupong pinahalagahan at iningatan,
May memoryang nakakalungkot at nagbibigay sakin ng kasiyahan.
Pagsuko na talaga ang aking desisyon,
Dahil sa tanong na "Dating kaibigan"  ang iyong itinugon.

**************

XXXXXXXXX

For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon