CHAPTER 1
First day ni Corinne bilang isang first year HRM student. Dati syang nursing student pero nagshift sya ng course at nagpalit rin ng school. Familiar sa kanya ang eskwelahang pinasukan nya ngayon dahil doon rin sya nag highschool pero yung mga tao sa paligid nya ngayon, sa loob ng room nila sa kanyang first period, ni isa, wala syang kilala. And it makes her feel uneasy.
Tahimik lang syang naka upo sa upuan nya, nakikiramdam sa paligid. May pagkamahiyain sya at takot sa rejection kaya kung hindi ibang tao ang mag iinitiate ng conversation ay hindi sya magsasalita. Habang hinihintay ng klase ang pagdating ng homeroom teacher nila na magbibigay sa kanila ng kanilang daily schedule, panay ang tingin ni Corinne sa cellphone nya. Hindi dahil sa may hinihintay syang text kundi dahil hindi sya sanay na pinagtitinginan sya. Oo, pinagtitinginan sya ng mga lalaki doon sa klase nila, mostly pa naman sa klase nila ay lalaki. Iilan lang silang babae, at hindi maipagkakailang sa lahat ng babae doon sa room, si Corinne talaga ang pinaka pansinin.
Hindi sya kaputian, kayumanggi ang kanyang balat, pero gayunpaman angat na angat ang kagandahan nya mula sa ibang babae dun sa room nila. Simple lang syang mag ayos, naka lugay lang ang straight na mahabang buhok, nakasuot ng simpleng t-shirt at pantalon. Alam nyang may itsura s'ya pero mababa ang self esteem nya, lage syang nakatungo pag maglalakad.
"Miss ako si Karl, ano'ng pangalan mo?" sabi ng isang lalaking nasa unahan nya.
"Corinne." tipid nyang sagot.
"Ah, pwede daw bang mahingi yung number mo?" sabi nung lalaki.
Hindi alam ni Corinne kung anong sasabihin nya. Ayaw nya sanang ibigay agad ang number nya dahil hello, hindi pa sila close, pero nahihiya syang tanggihan ito. Bukod sa takot sya sa rejection, takot rin syang mangreject.
Sasabihin na sana nyang "Sige." at kukuhanin yung cellphone na inaabot sa kanya nung Karl labag man ito sa kalooban nya nang may kumulbit sa kanya mula sa likod.
"Miss, may ballpen ka?" tanong ng isang gwapo at maputing lalaking estudyante. Nang magtama ang mata nila ni Corinne, pakiramdam ni Corinne nagkaron sya ng mini heart attack.
"Bakit ngayon ko lang sya napansin?" tanong ni Corinne sa isip nya habang pinagmamasdan yung lalaki na hindi maipagkakailang pinaka gwapo sa lahat ng nakita nyang lalaki sa buong campus.
"O-oo meron, ito oh." nabighani man sya sa itsura nung lalaki ay hindi nya ito ipinahalata. Inabot nya calmly yung ballpen nya dun sa lalaki.
"Salamat." sabi nito at nagsimula na itong magsulat dun sa classcard nya. Naisip nya ano ba namang klase ng studyante ang walang dalang ballpen sa first day ng klase? Naisip nya yun but then she found it cute.
Pagkaharap ni Corinne sa unahan, nakita nyang nag aabang parin ng sagot yung Karl. Ibibigay nya na sana yung number nya pero saktong dumating naman yung homeroom teacher nila. Sobrang thankful sya ng mga oras na yun, para bang naging savior bigla yung teacher nya sa paningin n'ya.
Pagkatapos ipaliwanag nung teacher yung rules nya sa klase at ipamigay yung schedule nila, sinimulan na nito ang bagay na pinaka ayaw ni Corinne sa tuwing first day ng school... ang walang kamatayang self introduction.
Marami sila sa klase, lampas 30, at sa dami ng nagpakilala, isang pangalan lang ang natandaan nya. Ang pangalan nung gwapong lalaking nanghiram ng ballpen nya. "Jb" ang pangalan nito, short for Jacob Brett Sarmiento. Hindi naman sa crush na nya talaga agad ito, she just found him attractive for some reason. And because of him sa tingin ni Corinne magiging exciting at masaya ang simula ng College Life nya. Ang dami na nyang naiisip na scenario sa utak nya until...
BINABASA MO ANG
But He's Taken... [SHORT STORY]
Romance(COMPLETED) For her, it was always him. For him, it was never her.