CHAPTER 4

96.6K 2.8K 446
                                    

CHAPTER 4

Pag dating ni Corinne sa school nila, hindi n'ya maintidihan kung anong meron at ang daming studyanteng kakaalis lang mula sa may entrance ng school nila. Base sa narinig ni Corinne sa usapan nung ibang studyante sa paligid n'ya, meron atang naganap na away doon sa may entrance bago dumating si Corinne. Away daw ng dalawang studyante, at ngayon ay nasa guidance office yung dalawang studyanteng yun. Napailing na lang si Corinne nang malaman n'ya iyon. Naisip n'ya, umagang umaga away. 

Pag dating n'ya sa classroom nila, yung mga kaklase n'ya busy rin na nag uusap dun tungkol dun sa away na naganap. Hanggang sa room nila abot pala yung balita.

"Absent si Jett?" tanong ni Corinne kay Jb. Magtatime na kasi sila, wala pa si Jett.

"Hindi mo ba alam?" tanong ni Jb.

"Huh?"

"Nasa Guidance Office si Jett. S'ya yung pinag uusapan ng buong klase."

"Huh? Bakit?"

"Inabangan kasi ni Jett kanina yung isang upper classman, kaklase ni Jemimah, tapos sinuntok n'ya yun pagkakita n'ya."

"Bakit naman n'ya sinuntok? Nasisiraan na ba s'ya?"

"Nagsumbong kasi si Jemimah kay Jett kahapon, habang natutulog daw sa bus si Jemimah nung tour nila, hinipuan daw s'ya nung lalaking yun, hindi lang sinabi ni Jemimah sa teachers, kay Jett lang n'ya sinabi. Simula kagabi pa kating-kati si Jett na basagin ang mukha nung lalaki, di ko akalain na gagawin n'ya talaga yun ngayon." Kwento pa ni Jb.

Hindi rin makapaniwala si Corinne sa narinig. Hindi n'ya alam na si Jett yung tipo ng taong handang mapunta sa Guidance para ipagtanggol ang naagrabyado nitong nobya. Playboy at hindi seryoso kasi ang tingin ni Corinne kay Jett. Dahil sa tuwing kasama niya ito, pag makakakita ito ng magagandang studyante, tatabigin nito si Corinne sabay sasabihing, "Oi tingnan mo chicks." Madalas rin itong may kaflirt sa fb sa chat, marami ring katext na babae. Pakiramdam ni Corinne hindi ito ganun kaseryoso kay Jemimah, pero mukhang nagkamali pala s'ya.

"1 week suspension," sabi ni Jb. Napatingin si Corinne sa kanya.

"Huh?" tanong ni Corinne, naguguluhan sa sinabi nito.

"Suspended ng 1 week si Jett, nagtext sa akin. Kakalabas lang n'ya galing Guidance Office. Nakakainggit." ani Jb.

"Ano'ng nakakainggit dun?"

"Wala s'yang pasok ng 1 week," sabi ni Jb.

Natawa na lang si Corinne.

"Pero on the other hand masaya rin pala ako," sabi pa ni Jb, napatingin si Corinne sa kanya.

"Bakit?"

"Kasi... " naglean palapit kay Corinne si Jb (magkatabi kasi sila sa upuan) tapos binulong nito kay Corinne, "masosolo narin kita sa wakas Corinne." Matapos n'yang ibulong iyon ay nginitan pa nito si Corinne.

Natulala na lang si Corinne matapos noon, hindi s'ya nakapagsalita. Tila ba naparalisa ang buo n'yang katawan at para bang tumigil ang pagfunction ng lahat ng sistema na meron ang katawan n'ya. Dumating narin yung teacher nila dun sa subject at nagsimula ng maglecture. Nakatulala lang si Corinne sa unahan, nakatingin sa teacher pero hindi naman nakikinig, nakatulala lang talaga s'ya. Paminsan-minsan ay mapapasulyap s'ya kay Jb, ngingitian lang s'ya nito at agad s'yang mapapaiwas dahil sa hiya. Pinagtawanan naman s'ya ni Jb dahil sa reaksyon n'ya and in the end natawa na lang rin s'ya.

Napalabas silang dalawa ni Jb dahil sa pagtatawa nila sa gitna ng klase. Unang beses yun ni Corinne na masigawan ng teacher at mapalabas dahil sa pagiging maingay, pero hindi s'ya natakot o nahiya. In fact masaya s'ya, hindi maalis ang ngiti n'ya habang lumalakad sila ni Jb palabas ng kwarto.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon