CHAPTER 10

79.9K 2.7K 631
                                    

CHAPTER 10

Bakasyon na nila Corinne. Nanonood s'ya ng tv sa kwarto nang makareceive s'ya ng tawag mula kay Jb. Agad n'ya yung sinagot.

Corinne: Yo Jacob!

Jb: Sabi ng wag mo na akong tawaging *cough *cough Wag mo na akong tawaging *cough *cough

Corinne: Oy Jacob, okay ka lang ba?

Hindi ito sumasagot

Corinne: Jb? Jb!

Puro mabigat na paghinga ang naririnig ni Corinne mula sa kabilang linya, kaya nagpapanic na talaga s'ya.

Corinne: Jb, okay ka la—

Jb: Corinne... nasaan ka?

Corinne: Nasa bahay. Bakit? Oy okay ka lang ba?

Jb: Pwede mo ba akong... *cough Pwede mo ba akong ibili ng gamot sa ubo at lagnat?

Corinne: May lagnat ka? Nasaan ang parents mo?

Jb: Nasa... nasa Palawan sila ngayon e, mag-isa lang ako dito sa bahay. *cough *cough Ang sakit ng ulo ko, hindi ako makabangon sa kama.

Corinne: Okay, okay. Sige, hintayin mo lang ako d'yan wag kang aalis.

Jb: Kung makakaalis ako Corinne, sa tingin mo magpapabili pa ako sa'yo ng gamot?

Gusto pa sanang makipagtalo ni Corinne pero hindi na n'ya ginawa. Wala s'ya sa tamang state of mind para mag-isip ng isasagot. The only thing inside Corinne's mind at that time is, kailangan n'yang bumili ng gamot, kailangan n'yang mapuntahan agad si Jb.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nakarating si Corinne sa mall na pambahay lang ang suot. Isang simpleng white spaghetti top, at isang pink pajama na may heart prints na design ang suot n'ya. Pagkatapos kasi ng tawag ni Jb, kinuha lang ni Corinne yung wallet n'ya tapos lumabas na s'ya ng bahay nila. She didn't even notice that she's wearing her pink bunny indoor slippers for Godsake! Hindi pa rin s'ya naliligo (obvious naman sa suot n'ya). But none of those things seem to bother Corinne. Even the weird looks from all those people in the mall didn't bother her a bit. She just wants to buy everything she needs, as fast as she can, para makapunta na s'ya sa bahay ni Jb.

"Nakalabas ka ng bahay ng ganyan ang suot?" tanong ni Jb pagpasok ni Corinne sa kwarto n'ya.

"Ang alam ko, dadalaw ako sa may sakit, hindi makikipagdate. Uminom ka na lang ng gamot, Jacob." Agad inabot ni Corinne yung gamot at tubig na hawak n'ya kay Jb, pagkatapos, lumabas naman s'ya para kuhanin yung basin na may yelo, tubig at alcohol.

"Ano yan? Pinabili lang kita ng gamot, hindi mo kailangang gawin yan. Umuwi ka na, okay na ako," sabi ni Jb nang makita ang basin at bimpong bitbit ni Corinne papasok ng kwarto.

"Okay mo mukha mo, 39 degrees pa yung temperature mo."

"Bababa din ya—"

"Mahiga ka na lang at hayaan ako, Jacob." Tinulak ni Corinne si Jb pahiga, at saka inilagay sa noo nito yung basang bimpo.

"Jacob na naman," bulong nito, parang batang nagdadabog.

"Good boy, Jacob," sabi n'i Corinne, inemphasize pa yung 'Jacob'. Tiningnan na lang s'ya ng masama ni Jb.

Inaasar ni Corinne si Jb, pero sa totoo lang, para s'yang natanggalan ng malaking tinik sa dibdib noong makita n'ya ang mukha nito. Parang gusto n'ya nga itong yakapin nang madatnan n'ya ito sa kwarto, para lang makumpirma ng katawan n'ya na ayos lang si Jb, humihinga pa si Jb.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon