CHAPTER 12

92.7K 3K 1K
                                    

CHAPTER 12

Pagkatapos ng tawag ni Jett, talagang naguluhan si Corinne. Hindi n'ya alam ang dapat gawin. Hindi n'ya alam ang dapat maramdaman. 

Nakiusap si Corinne kay Jb na bigyan sana muna s'ya nito ng oras para makapag-isip tungkol sa mga bagay-bagay bago s'ya sumagot sa tanong nito. Naintindihan naman ni Jb si Corinne kaya't pagkatapos nilang kumain ng niluto n'yang pasta, hinayaan na lang ni Jb si Corinne na umuwi sa kanila.

Sinabi ni Corinne kay Jb na uuwi na s'ya, pero ang totoo, hindi s'ya agad dumiretso pauwi. Para mas makapag-isip, pinili ni Corinne na maglakad-lakad at mamasyal muna sa isang parke para makalanghap ng sariwang hangin, at upang makahinga mula sa komplikado at masakit sa ulo n'yang sitwasyon.

Kumalma man kahit papano matapos n'yang pumunta sa parke, pag dating naman n'ya sa harap ng bahay nila, muli na namang gumulo ang utak ni Corinne. Laking gulat n'ya, dahil pagdating n'ya sa tapat ng bahay nila, naroon ang pulang kotse ni Jett.

Hindi alam ni Corinne kung anong dapat n'yang gawin. Nagsisimula ng manginig ang katawan n'ya. Pinagpapawisan ang kamay n'ya. Sobrang kabado s'ya. Hindi pa s'ya handang harapin si Jett.

Habang nagtatalo ang puso't isip n'ya sa dapat n'yang gawin, biglang bumukas ang pinto ng pulang kotse. Hindi pa man nakakalabas si Jett mula roon ay humakbang na si Corinne ng isa patalikod, pabalik sa kanyang pinagmulan. Handa na s'yang tumakbo palayo kay Jett, nang isigaw nito ang pangalan n'ya.

"Coco!"

Walang nagawa si Corinne kung hindi humarap, at lumakad palapit kay Jett.

"O-oh Jett, a-anong ginagawa mo dito?" Corinne tried so hard not to appear nervous in front of him, but she failed. Paano ba s'yang hindi nenerbyosin sa sitwasyon n'ya? 

"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito Coco," sagot ni Jett.

"Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo. Pagod ako, papasok na ako sa loo--" Bubuksan na dapat ni Corinne ang gate ng bahay nila at papasok doon ngunit pinigilan s'ya ni Jett.

"Coco wag mo kong iwasan!" sigaw sa kanya ni Jett kasabay ng marahas na paghigit sa braso n'ya. Ngayon ay nakaharap na muli si Corinne kay Jett. Nang magtama ang mata nila, doon na parang may sumabog sa loob ni Corinne.

"Ano bang gusto mong gawin ko Jett?! Anong gusto mong sabihin ko sa'yo?! Hindi ba ganito rin naman yung naging reaksyon mo noong nagtapat ako sa'yo? Hindi ka rin naman nakasagot noon diba? Kaya sino ka para sumigaw dahil iniiwasan kita ngayon?"

Unti-unting lumuwag ang kapit ni Jett sa braso ni Corinne, hanggang sa bitawan na n'ya ito. Unti-unti ring umamo ang mga mata ni Jett, ngunit mas lalong nagseryoso at mas tumutok ang tingin nito kay Corinne.

"Hindi ko-- hindi ko sinasadyang sigawan ka Coco. Gusto ko lang namang--"  

Isisingit dapat ni Jett sa tenga ni Corinne ang kumalat nitong buhok ngunit tinabig ni Corinne ang kamay ni Jett.

"Bakit mo ba ginagawa to Jett?" tanong ni Corinne. For some reason, naiinis si Corinne kay Jett. She wasn't angry at him matapos nitong tumawag sa kanya, pero for some reason, ngayong kaharap na n'ya si Jett, she feels really angry at him.

"Bakit kung kailan masaya na ako, bakit doon mo kailangang paguluhin ang lahat?"

"Coco..."

"Wala akong ginawa all these years Jett kung hindi panoorin kang maging masaya kasama ang iba... Bakit kung kailang tanggap ko na, bakit kung kailang masaya na ako, tsaka mo sasabihin yung bagay na yun?! Ayaw mo ba akong maging masaya huh? Ikaw lang ba ang may karapatang sumaya sa ating dalawa huh?!" sinisigawan na ni Corinne si Jett habang tinutulak ito. Even Corinne is surprised by her own rage.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon