CHAPTER 11
Magkikita si Corinne at Jb sa mall. Nakiusap si Jb kay Corinne na samahan s'ya nitong bumili ng ingredients para sa pasta na lulutuin n'ya, at inaya rin n'ya itong samahan s'yang kainin yun sa bahay n'ya since mag-isa nga lang s'ya. Kinakabahan man si Corinne na makita muli si Jb pagkatapos ng nangyari sa kanila noong isang araw, pumayag parin si Corinne na makipagkita rito. In fact, itanggi man n'ya sa sarili, excited si Corinne na makita si Jb.
"Jacob, gay ka ba?" bungad ni Corinne sa kakarating lang na si Jb.
"Ano namang klaseng tanong yan?"
"Ang alam ko kasi, lalaki dapat ang naghihintay sa babae, pero tingnan mo, sa ating dalawa, ikaw ang 20 minutes late," sabi ni Corinne habang pinapakita kay Jb ang relos n'ya.
"So babae lang ang pwedeng magpalate? Nasaan ang gender equality sa statement mo?"
Corinne just rolled her eyes at Jb. Agad namang napasmirk si Jb dahil ibig sabihin noon, panalo s'ya sa argument nila ni Corinne. Minsan lang s'yang manalo sa argument nila.
"Corinne..." Pinagmasdan ni Jb si Corinne mula ulo hanggang paa, yung smirk n'ya napalitan ng isang malaking simangot.
"What's with the disappointed look?" tanong ni Corinne.
"Alam mong magkikita tayo, pero mukhang ni hindi mo man lang pinaghandaan yung isusuot mo. Nice." Nakasimpleng jeans at gusot na red t-shirt lang si Corinne.
"Bakit? Magluluto lang naman tayo ng pasta ah? Isa pa, sino ka ba para paghandaan ko?"
"Sabi ko nga," disappointed na sagot ni Jb. "Tara na, bumili na tayo ng dapat bilhin." Tumalikod na ito at naglakad ng hindi hinihintay si Corinne.
Agad naguilty si Corinne dahil sa reaksyon ni Jb, kaya agad n'ya itong hinabol. Naabutan n'ya ito.
Corinne gathered all her courage, atsaka s'ya nagsalita, "Nagsinungaling ako. Ang totoo, buong gabi akong namili ng isusuot para sa araw na to. Hanggang kaninang umaga, papalit-palit parin ako ng isusuot, inabot na nga ako ng oras ng pagkikita natin dahil hindi ako makapili. Natakot akong malate, kaya sa huli sinuot ko na lang kung anong una kong nakita," pag-amin ni Corinne. "Sorry na, wag ka ng sumimangot. Pinaghandaan ko naman eh, hindi lang halata."
Jb didn't stop walking after hearing that, nor did he looked at her or said something... Muntik ng madisappoint si Corinne, but then he held her hand... tight.
Agad napatigil sa paglalakad si Corinne nang hawakan ni Jb ang kamay n'ya. She looked at Jb with eyes begging for an answer to a question she can't seem to put into words.
"What?" tanong ni Jb, na para bang wala s'yang ginawang nakakagulat.
"Wa-wala," sagot ni Corinne, pretending na hindi s'ya nagulat kahit konti sa paghawak ni Jb sa kamay n'ya.
Jb shrugged, tumingin na ulit sila pareho sa daan at nagpatuloy sa paglalakad... nang magkahawak ang kamay.
Habang naglalakad, biglang pinisil ni Jb ang kamay ni Corinne, pinisil ni Corinne ang kamay ni Jb pabalik. Sabay na may namuong ngiti sa mukha nilang dalawa. Pumasok sila sa grocery store na animo'y parehong nanalo sa lotto.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Mula sa mall hanggang sa pagpasok sa bahay nila, hindi binitawan ni Jb ang kamay ni Corinne. Jb's hand was so warm and comfortable, parang gusto tuloy ni Corinne na iuwi iyon at yakapin sa pagtulog.
Nasa bahay na sila ngayon ni Jb, sa kitchen. Nakaupo si Corinne sa isang tabi, pinapanood si Jb na magluto.
Habang pinagmamasdan ni Corinne ang likod ni Jb na busy sa kanyang ginagawa, gustong itanong ni Corinne dito kung ano na ba sila. Hinalikan s'ya nito, hinalikan n'ya ito. Magkahawak sila ng kamay kanina mula mall hanggang makauwi. Ngayon pinagluluto s'ya nito ng pasta at sabay nila itong kakainin. Ano na ba sila? Gustong-gusto ni Corinne na itanong yan, pero...
BINABASA MO ANG
But He's Taken... [SHORT STORY]
Romance(COMPLETED) For her, it was always him. For him, it was never her.