CHAPTER 7
Pagkatapos ng outing nila Corinne, walang imik s'yang bumaba sa kotse ni Jett matapos s'yang ihatid nito sa kanila. Sa kotse ni Jett kasi sila nakasakay ni Jb pauwi.
Napansin ni Jett ang pagiging tahimik ni Corinne sa b'yahe ngunit hindi n'ya yun masyadong inintindi, inisip n'ya na baka pagod lang ito. On the other hand, Jb was well aware kung bakit ganoon katahimik si Corinne sa kotse kanina.
Pagkatapos matulog ng ilang oras, agad na nag log-in si Jett sa fb n'ya para palitan yung profiile picture n'ya noong shot nilang magkahalikan ni Jemimah, at s'yempre para asarin si Corinne.
Naabutan n'yang online si Corinne kaya't agad n'ya itong chinat...
Jett: Coco!
Agad naman itong naseen ni Corinne... hinihintay ni Jett na magreply ito pero wala. Hindi ito nagreply. Finlood n'ya ito ng "Coco! Hoy!" pero nag offline na ito at hindi talaga sumagot.
"Bakit ang suplada nun ngayon?" tanong ni Jett, naisip n'yang baka meron lang si Corinne.
XXXXXXXXXXXXXXX
"Oi Coco, bakit di ka nagrereply sa texts ko?" tanong agad ni Jett kay Corinne pag dating n'ya sa classroom.
"Wala akong load," sagot ni Corinne na busy sa paglalaro sa cellphone n'ya habang naghihintay sila ng teacher.
"Eh nung chinat kita sa fb bakit di ka nagreply?"
"Wala lang, tinatamad ako eh. Wala ka rin namang sense kausap eh," sagot ni Corinne, ni hindi n'ya tinitingnan si Jett, sa cellphone lang s'ya nakatingin.
"Ah ganun? Akin na yan!" biglang hinablot ni Jett kay Corinne yung cellphone n'ya.
"Hoy ibalik mo nga yan! Naglalaro yung tao eh!" inaagaw ni Corinne yung cellphone sa kanya pero hindi n'ya iyon makuha.
"Ibabalik ko lang to pag kinausap mo na ako ng maayos," sabi ni Jett sabay dila pa kay Corinne.
Sinamaan lang s'ya ni Corinne ng tingin tapos sa unahan na ito tumingin.
"Oi, suko ka na agad? Ano bang meron? May sakit ka ba?" Hahawakan sana ni Jett si Corinne sa noo ngunit tinabig nito ang kamay n'ya. Ikinabigla n'ya iyon.
"Wag mo nga akong hawakan," iritableng sabi ni Corinne.
"Ano bang--"
"Jett andyan na yung teacher, mamaya na yan," sumingit na si Jb sa usapan. (Magkakatabi kasi silang tatlo)
"Oh eto na yung cellphone mo, kj," badtrip na rin si Jett so ibinalik na nito kay Corinne yung cellphone, wala na s'ya sa mood na asarin ito.
Pagkatapos ng klase, medyo lumamig na ang ulo ni Jett kaya naman kakausapin na n'ya dapat si Corinne ngunit agad na itong lumabas ng kwarto pagkadismiss na pagkadismiss nung teacher. Sa sobrang bilis nito, hindi na n'ya ito naabutan.
Habang naka upo si Jett sa study table kasama si Jb, hindi s'ya mapakali. Hindi parin kasi bumabalik si Corinne. By that time batid na n'yang may mali dito. Iniisip n'ya kung may mali ba s'yang nagawa o nasabi na posibleng ikinagalit nito ngunit wala s'yang maisip bukod dun sa insidente ng pang-aagaw n'ya ng cellphone nito kanina.
Hindi na bumalik si Corinne ng araw na iyon. Umabsent ito sa mga natitira nilang subjects. Alam ni Jett na hindi ugali ni Corinne na gawin iyon kaya't talagang nag-alala s'ya. Ilang beses n'yang tinawagan ang cellphone nito, pareho sila ni Jb, pero hindi nila ito macontact. Nakapatay ang cellphone nito.
Nang mag uwian na sila, hindi mapalagay si Jett hanggat hindi n'ya nakikita at nasisiguradong okay lang si Corinne. Kaya naman para matahimik s'ya ay agad n'yang pinuntahan ang bahay nito.
BINABASA MO ANG
But He's Taken... [SHORT STORY]
Romance(COMPLETED) For her, it was always him. For him, it was never her.