CHAPTER 5

102K 2.7K 429
                                    

CHAPTER 5

"Coco, tapos na akong mag set up, pasok ka na sa loob!" sigaw ni Jett kay Corinne na kasalukuyang nakaupo sa salas.

"D'yan tayo sa loob ng kwarto mo maglalaro? Ayoko nga! Tayo lang ang tao dito sa bahay n'yo!" sigaw ni Corinne, pero hindi natinag si Jett.

"Wag kang kj! Tara na!" Hinigit na ni Jett si Corinne ng sapilitan papasok ng kwarto n'ya.

Noon lang nakapasok si Corinne sa kwarto ng isang lalaki at naiilang s'ya.

"Saan ako uupo?" tanong ni Corinne. Kama at isang maliit na ref lang kasi ang meron sa kwarto ni Jett, tsaka isang cr.

"Sa kama obviously," sagot ni Jett habang tinuturo yung kama kung saan nakapatong yung dalawang game controllers ng xbox.

"Ano?! Ayoko nga!" Lalabas na si Corinne ng pinto pero pinigilan s'ya ni Jett.

"Wala tayong ibang gagawin, maglalaro lang talaga tayo ng xbox Coco, ang laswa ng isip mo."

"Sinong malaswa? Alam kong manyak ka kaya ganito ako!"

"Haha, di kita type wag kang mag-alala. Isang laro lang please? Isa lang tapos ihahatid na kita sa inyo."

"O sige na nga, pero iwan mong nakabukas yung pinto."

Natawa na lang si Jett pero sinunod naman n'ya si Corinne, iniwan n'yang nakaawang yung pinto.

Hindi inasahan ni Corinne na mag-eenjoy s'ya sa laro nila. Ang totoo n'yan mahilig si Corinne sa gaming, madalas s'yang maglaro ng PSP bilang pampalipas ng oras. Dahil doon, ang sinabi n'yang isang laro kasama si Jett, nauwi sa ilang rounds. Nagpapaligsahan sila ni Jett at ayaw n'yang magpatalo rito.

"Coco teka yosi lang ako," ani Jett matapos nitong ipause yung laro nila.

"Natatalo ka lang eh, wag kang madaya!" sigaw ni Corinne. Nasa exciting part na kasi sila nung game.

"Saglit lang to promise," sabi ni Jett at lumabas na ng kwarto. Wala ng nagawa si Corinne.

Pagbalik ni Jett galling sa labas, bigla nitong sinarado yung pinto.  Lumakad ito palapit kay Corinne, umupo sa tabi n'ya tapos, "Coco, paano ba yan, tayo lang ang tao dito at nasa loob ka ng kwarto ko, sa kama," bulong ni Jett kay Corinne in a really seductive voice. Agad kinilabutan si Corinne pagkatapos noon.

Agad na tumayo si Corinne tapos, "That's it! Aalis na talaga ako dito!" sigaw n'ya at handa na talaga s'yang lumakad palabas pero hinigit s'ya ni Jett sa kamay kaya napaupo si Corinne muli sa kama.

"Ano ba! Sabi ng—"

"Magkaaway kami ni Jemimah!" Natigil si Corinne nang isigaw yan ni Jett, humigpit ang kapit nito sa kamay n'ya.

"Ba-bakit?" tanong ni Corinne out of concern.

"Dahil sa pagsuntok ko dun sa lalaking nangharass sa kanya, nainform yung parents ni Jemimah tungkol sa fact na nahipuan s'ya nung tour. Nagalit yung mga magulang ni Jemimah sa kanya dahil sa paglilihim n'ya, grounded tuloy s'ya ngayon, at sinisisi n'ya yun sa akin." Malungkot ang boses ni Jett nang sabihin n'ya iyon. Ramdam ni Corinne ang lungkot sa tinig n'ya. Hindi akalain ni Corinne na makikita n'ya ang ganung side ni Jett. Akala kasi n'ya puro kalokohan lang ito at sobrang happy go lucky.

"Bakit naman s'ya nagalit sayo? Kung ako nga yun matutuwa ako kasi pinagtanggol ako ng boyfriend ko to the point na nasuspend at naguidance office pa s'ya para sa akin." Hindi na kontrolado ni Corinne ang lumalabas mula sa bibig n'ya. S'ya mismo hindi makapaniwala na she's actually comforting Jett. Si Jett na lage n'yang minumura sa isip n'ya, pinagagaan n'ya ang loob ngayon.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon