{ B U T . H E ' S . T A K E N. }
Epilogue
Kabadong naghihintay si Jett at Jb para sa pagdating ni Corinne. Parang gusto nilang itext ang isa't-isa kung may isa na ba sa kanila ang pinuntahan ni Corinne. Ang totoo kasi n'yan, hindi lang coincidence ang pagsesend nila ng magkasunod na message kay Corinne noong araw na iyon, talagang pinag-usapan nilang dalawa iyon.
Bago kasi yung araw ng pagtetext nila kay Corinne, ang totoo, nagkita si Jb at Jett sa isang basketball court... at doon ay nagkausap sila ng masinsinan... lalaki sa lalaki.
"Kailan pa?" biglaang tanong noon ni Jb kay Jett habang nagdidribol ng bola.
"Anong kailan pa?" tanong ni Jett habang binablockan noon si Jb.
"Kailan mo pa nalamang mahal mo si Corinne?"
Napatigil si Jett sa pagbblock kay Jb, nang marinig ang sinabi nito.
"Sinabi n'ya sa'yo yung tungkol sa pagtawag ko?"
"Hindi n'ya sinabi, pero base sa reaksyon n'ya noong oras na yun, dun palang alam ko na."
"Galit ka ba? Galit ka ba dahil sa pag-amin ko?"
"Hindi. Hindi ako galit dahil sa pag-amin mo. Galit ako, kasi ngayon ka lang umamin."
"Ano?"
"Noon palang Jett, noon palang may hinala na akong si Corinne na ang gusto mo at hindi na si Jemimah. May hinala rin akong kaya kayo nagbreak ay dahil kay Corinne. Ayaw ko lang maniwala noon, kasi sabi ko, bakit ka magssyota ng panibago kung tama yung hinala ko? Pero noong nakausap ko si Angela, noong tinatanong n'ya sa akin kung sino daw ba si Corinne, dahil nabanggit mo ang pangalan n'ya noong minsang lasing ka... tsong doon ako nagsimulang makaramdam ng galit. Noon palang naman pala, mahal mo na si Corinne, bakit ngayon mo lang sinabi? Noon palang naman pala, kayang-kaya mo na s'yang pasayahin, bakit sinaktan mo pa s'ya ng sobra? Bakit Jett?!"
Hindi makahanap ng sagot si Jett para sa mga tanong ni Jb. It's all too sudden, hindi n'ya alam kung saan s'ya magsisimulang magpaliwanag.
"Dahil ba to sa akin? Dahil ba alam mong gustong gusto ko si Corinne, kaya nagpaubaya ka na lang ganun? Sabihin mong hindi yun ang dahilan! Kasi Jett kung oo, talagang magkakagalit tayo!"
"Hindi yun ang dahilan! Hindi yun tsong! Maniwala ka."
"Kung hindi dahil sa akin... bakit? Bakit ngayon ka lang umamin?"
"Gaya nga ng sabi ko kay Coco... isa akong malaking duwag. Naduwag akong piliin s'ya. Yun lang." Bumuntong hininga muna si Jett bago itinuloy ang sasabihin, "Naduwag ako, at ngayon, huli na ang lahat."
"Paano mo nasabing huli na ang lahat?"
"Pinuntahan ko s'ya sa bahay nila, tinanong ko s'ya kung anong sagot n'ya... sabi n'ya, mali daw yung timing ko. Sabi n'ya, hindi daw n'ya alam kung kaya ba n'yang sumugal sa akin."
"So hindi s'ya sumagot ng "hindi" ?
"Hindi, pero ganun narin yu--"
"Hindi ganun yun! Kung hindi s'ya sumagot ng hindi, edi hindi pa huli ang lahat! Hindi pa huli ang lahat Jett! May pag-asa ka pa!"
Jett looked at Jb with wary eyes, "What the hell is wrong with you?" tanong n'ya bigla kay Jb.
"What?"
"Iisa tayo ng babaeng gusto, at suko na ako... bakit kinukumbinsi mo pa akong ipaglaban s'ya? Hindi ba dapat, matuwa ka na lang dahil wala ka ng karibal?"
BINABASA MO ANG
But He's Taken... [SHORT STORY]
Romance(COMPLETED) For her, it was always him. For him, it was never her.