CHAPTER 9

81.9K 2.6K 534
                                    

CHAPTER 9

"Coco, wala na kami ni Jemimah."

Nang sabihin yan ni Jett out of the blue, hindi malaman ni Corinne kung anong dapat n'yang ireact at sabihin. Nakatitig lang s'ya dito.

Hindi s'ya makapaniwala sa narinig n'ya mula sa bibig nito kaya't para makasiguradong hindi s'ya nagkamali ng dinig...

"Ano ulit sabi mo?" Tinanong n'ya yan kay Jett.

At buti na lang talaga nagtanong s'yang muli dahil...

"Sabi ko, sorry daw, sabi ni Jemimah," sagot ni Jett. Noon napagtanto ni Corinne na nagkamali nga s'ya ng dinig. She felt embarassed afterwards. What in the world was she thinking? Sa kaiisip n'yang sana di na lang taken si Jett, kung ano-ano na tuloy ang naririnig n'ya.

"Hoy Coco, bakit natulala ka na d'yan?" Winawagayway ni Jett yung kamay n'ya sa may mata ni Corinne.

"Ah, wala. Ah ano, bakit nagsosorry si Jemimah?"

"Nalaman kasi n'ya yung ginawa sa'yo ni Krissy."

"Ah, nako, sabihin mo wala s'yang dapat ihingi ng paumanhin. Hindi naman n'ya kasalanan yun eh."

"Yun nga ang sinabi ko sa kanya eh, pero nag insist parin s'yang sabihin ko sa'yo yan." Tumingin si Jett sa langit at ngumiti saka sinabing, "Well that's Jemimah for you, she's so nice, you would sometimes think she's an angel."

Yung ngiti at statement na yun ni Jett ang nagpakita kay Corinne, na kahit anong gawin n'ya, talagang pag dating kay Jemimah, talo s'ya. She can never make him smile like that. Doon palang, malinaw na, her love for him will always be one-sided. Always.

"Coco..." Inalis bigla ni Corinne ang pagtitig n'ya kay Jett nang bigla itong bumaling sa kanya.

"Bakit?" tanong n'ya.

"Mamimiss kita."

Agad s'yang napaharap dito nang marinig iyon. "Huh? Bakit?"

"Lilipat ako ng school next year."

"H-huh? Anong school?"

"Sa school nila Jemimah," nakangiting sabi ni Jett. Kitang-kita sa mukha nito ang excitement kaya naman kahit nalungkot si Corinne sa bagay na narinig...

"Ayos ah! Ang saya ko!" sigaw ni Corinne. "So simula next year wala nang mambubully sa akin? Aw, super excited na akong magpasukan next year."

"Ang sama mo!" sigaw ni Jett. "Ni hindi mo man lang ako mamimiss?"

"Hindi," poker-faced na sagot ni Corinne.

"Ang sama mo!" sigaw muli ni Jett.

"Siguradong mas sasaya ang school life ko kasi wala ng magpapasakit ng ulo ko."

Sisigaw sana muli si Jett ng "Ang sama mo!" pero...

"At mas okay narin yun para mas mabilis akong maka move on sa'yo."

Napatigil si Jett noong sabihin yan sa kanya ni Corinne. Hindi n'ya alam ang dapat sabihin dito pabalik. Nakangiti man ito noong sabihin iyon, alam n'yang hindi iyon ngiti ng isang taong masaya. Walang taong masaya ang magsasabi ng ganoon.

Tumingin na lang silang dalawa sa itaas at magkatabing pinagmasdan ang malungkot na langit.

"I'm sorry Coco," sabi ni Jett kasabay ng pagpat n'ya sa ulo ni Corinne.

"Dapat lang," sagot ni Corinne, hindi parin inaalis ang tingin sa langit.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon