CHAPTER 2

143K 3.2K 418
                                    

CHAPTER 2

Tapos na ang klase nila Corinne at ngayon ay naghihintay sya ng jeep na masasakyan pauwi sa tapat ng gate ng school nila. Habang naghihintay ng jeep, hindi maalis ang ngiti sa labi n'ya. Sobrang saya ng first day of school nya bilang HRM student, sobrang layo kaysa doon sa first day of school nya noong Nursing student sya. Ikaw ba naman ang hingan ng number ng taong nagugustuhan mo tapos magpapicture pa sya katabi mo, ewan ko na lang kung hindi ka kikiligin katulad ni Corinne. Kakatapos lang ng klase nya pero excited na agad syang pumasok kinabukasan. Hindi pa sya naging ganoon kasabik pumasok kahit kailan, pero dahil kay Jb parang gusto nyang isang buong linggo na lang may pasok.

"Wag kang gagalaw holdap to." may bumulong sa tenga ni Corinne kasabay ng pagdampi ng kung anong matigas na bagay sa tagiliran nya kaya natigilan na lang sya doon. Pinagpawisan sya ng malamig at talagang nagwawala ang puso nya sa kaba. Hindi nya alam kung dapat ba syang gumalaw, sumigaw o ano.

Pinakalma nya ng konti ang sarili nya, at saka nag isip. Naisip nyang may guard sa likuran nya since nasa harap lang sya ng gate ng school, kaya balak na nya sanang sikuhin yung holdapper na nasa tabi nya tapos sisigaw sya para humingi ng tulong pero...

*snap! May nagclick na shutter ng camera at nakita na nya lang sa harap nya ang isang cellphone na naka on ang front camera. Kitang-kita nya ang itsura nya dun sa picture, mukha syang gulat na gulat tapos may isang lalaki sa tabi nya na nakangiti ng malaki at ito ay si...

"Ikaw! Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo?" sigaw nya dun sa Jett, yung best friend ni Jb. May hawak-hawak itong ballpen sa isang kamay at cellphone sa isa pa.

"Hahaha, ang astig nung itsura mo dito, ang sarap ipang profile pic!" nagtatawang sabi nito habang pinapakita kay Corinne yung picture.

"Hindi ka nakakatuwa!" sigaw ni Corinne, talagang naasar sya dito dahil natakot talaga sya. Sakto naman nun may tumigil ng jeep sa tapat nila at agad syang sumakay doon, pero sumakay din yung Jett at tinabihan pa sya.

"Sorry na." sabi nung Jett kay Corinne, hindi nya ito pinansin bagkus eh kumuha na lang sya ng pera sa wallet nya para magbayad ng pamasahe pero nung ipapaabot na nya sa katabi nya yung bayad nya eh pinigilan sya nung Jett.

"Ito na." sabi nung Jett sabay abot ng bente pesos dun sa katabi nila. "Dalawa pong studyante!" sigaw nito doon sa driver kaya wala ng nagawa si Corinne.

"Sa-salamat." nahihiyang sabi ni Corinne. Nagpasalamat sya out of courtesy kahit na inis sya rito.

Nginitian lang sya nung Jett tapos, "Wala yun. Saan ka pupunta? Pauwi ka na?" tanong nito na para bang close na agad sila.

"Oo. Ikaw ba?" tipid na sagot ni Corinne, nakikiramdam pa kasi sya. Unang araw palang nilang magkakilala kaya hindi nya alam kung paano aasta sa harapan nito, lalo na at kanina lang eh talagang nainis sya rito.

"Pupunta ako sa girlfriend ko." sagot nung Jett.

"Ah..." yun lang ang sinabi ni Corinne at hindi na muli sila nag-usap pa. Hindi magaling sa verbal communication si Corinne, kung hindi yung kausap nya ang magbubukas ng topic, agad na matatapos ang usapan nila.

Habang nasa byahe, naisip ni Corinne, kung may girlfriend na kaya si Jb. Naisip nya kasi, kung itong si Jett may girlfriend na, si Jb pa kaya na ilang beses na mas maappeal kaysa sa kanya? Gusto sanang itanong ni Corinne kay Jett kung may girlfriend na si Jb since mag best friend nga silang dalawa para naman masagot na yung tanong sa isip nya pero syempre hindi nya ito nagawa. Wala syang lakas ng loob para gawin yun, isa pa natatakot sya sa iisipin nung Jett sakaling itanong man nya yun. 

"Dito na ako. Bye." sabi nung Jett sabay para. 

"Bye." sabi ni Corinne at bumaba na yung Jett.

But He's Taken... [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon