"Coco, anak? Puwede ba akong pumasok?" tanong ni Mrs. Evangeline Artiaga sa kanya sa mahinahong boses. Tumayo si Coco mula sa kinauupuang stool at tinakpan ng puting tela ang portrait na kanina pa niya pinagmamasdan.
Dinampot ni Coco ang palette to give her mother the impression that she was working on something. She was, hindi nga lang niya naituloy dahil nasumpungan na lang niya ang sariling pinagmamasdan ang larawang iginuhit niya kagabi, one of the many she had painted.
Binuksan niya ang pinto.
"Dinalhan kita ng almusal, Coco," sabi ng mama niya.
Kulay-honey ang buhok nito, maiksi, well-coiffured. At kahit umaga pa lang at wala naman itong pupuntahan ay naka-makeup pa. Nakasuot ito ng berdeng loose pants at tunic-style na blouse. Her mother was the type who was always expecting some great things to happen everyday. Kahit sa harap ng trahedya, her mother was the eternal optimist.
Pero nang umagang iyon, daig pa nito ang Birhen Dolorosa. Lungkot na lungkot ang hitsura nito.
She should be, sa loob-loob ni Coco.
"Kakain ako kapag nagutom ako, Mama. Right now, I just want to be left alone." In fact, she wanted to be left alone for the rest of her life. Pero hindi iyon maiintindihan ng kanyang mama. It was as though she was expecting her to possess the kind of disposition she had—always sunny.
"Pero hindi ka rin kumain kagabi. You're so thin, Coco," giit nito. "Alam kong masama ang loob mo sa akin. Pero sana, maintindihan mo na I only want you to have your life back. I want to hear you laugh again. N-nahihirapan ako na nakikita kang ganyan araw-araw. Tanggapin mo sana na hindi na babalik si Miguel, kagaya ng pagtanggap ko sa pagkawala ng papa mo."
She could only sigh. Ilang ulit nang sinabi iyon ng kanyang mama.
"Intindihin mo rin, Mama, na gusto ko ang ginagawa ko. Pinili ko ito. Masaya ako, sa maniwala kayo at sa hindi. Please, stop telling me that. I know Miguel is dead, okay? I was there when he died. I am coping in my own way. I am not going crazy!"
She loved her mother; pero nitong huli, she dreaded the sight of her. At tama ang sinabi nito, masama ang loob niya rito. Dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na maging katulad siya nito at sa pag-aalala na rin—na para sa kanya ay wala naman sa lugar—kinumbinsi siya nitong makipag-date sa kaibigan daw nito.
Pinagbigyan ni Coco ang kanyang mama para matigil na lang. The friend, it turned out, was a shrink. Paraan nito iyon para iparating sa kanya na kailangan niya ng psychiatrist. Pag-uwi niya kagabi galing sa pakikipagkita sa naturang psychiatrist, hindi na niya kinibo ang kanyang ina.
"But you're closing your door, Coco. I-I'm not getting any younger."
Paraan din iyon ng kanyang mama ng pagsasabing matanda na siya at dapat nang lumagay sa tahimik.
"Has it occurred to you, 'Ma, that this is what I want?" giit niya. Hanggang kailan sila magtatalo? Napapagod na siya.
"You're lonely," anas nito, parang iiyak na.
"I'm not, Mama."
"You are. You haven't recovered from your grief—"
"Dahil hindi n'yo ako binigyan ng pagkakataon na magluksa! Hindi n'yo ako binigyan ng pagkakataon na umiyak. You just wouldn't leave me alone! I want to be alone. I want to grieve. Huwag mong ipagkait sa akin iyon, Mama.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)
RomanceAng gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa...