Chapter 10

7.3K 177 20
                                    

SANAY naman talaga si Carlo na matulog sa matigas na higaan kaya napasarap pa rin ang tulog niya. Maliwanag na maliwanag na nang magising siya. Sa tantiya niya ay pasado alas-otso na.

Nag-inat siya, tumingin sa kuwarto ni Coco. Tulog pa siguro ang babae dahil wala naman siyang naririnig na ingay sa loob ng bahay.

Lumapit siya sa pinto ng kuwarto at pinihit ang knob. Naka-lock iyon. Napuyat ang aswang, sa loob-loob niya.

Sinubukan din niyang buksan ang katabing kuwarto. Nakakandado rin iyon. Ano kaya ang naroroon? Nagpasya siyang makigamit na lang ng banyo dahil tumatawag sa kanya ang kalikasan. Pero nang nasa may pinto na siya niyon ay natigilan siya.

Naroroon nga pala sa loob ang dambuhalang aso.

Kinatok niya iyon. "Doggie..."

Ungol ang narinig niya.

Angry pa rin! Saan siya dyi-jingle? Alangan namang sa labas. Naisip niyang puwede nga rin, kaya lang nag-aalala siya na baka maabutan siya ni Coco na umiihi sa pader. Kahiya-hiya naman.

Pero wala siyang choice, tutulo na! Lumabas siya sa back door at bumaba ng hagdang bato. He saw the black Corolla parked just behind the stairs. Minabuti niyang doon na rin sa likuran ng hagdan umihi, matatakpan pa siya ng kotse. Hindi kaagad-agad siya makikita ni Coco kung bababa ito. He barely noticed the arch-shaped wooden door behind him.

DISAPPOINTED si Coco nang makitang maliit lang pala ang inakala niyang basement o wine cellar. Four by four meters lamang ang luwang ng lugar. Hindi pala niya puwedeng gawing studio iyon.

Hinawi niya ang mga agiw na nakaharang sa daraanan niya at binuksan ang maliit at paarkong pinto. Ganoon na lang ang gilalas niya sa nakita.

"What are you doing? You're pissing in my house!" sigaw niya. Hindi pa tapos sa pag-ihi si Carlo at mukhang gulat na gulat din sa kanya. Napamata at napanganga ito habang hawak-hawak ang "kayamanan."

"Why didn't you use the bathroom?"

"May aso," sagot nito, namumula ang buong mukha at tumalikod sa kanya.

Hindi naman niya malaman kung bakit nag-evaporate agad ang kanyang inis. Gusto na naman niyang matawa. "All right, tapusin mo na 'yan. Pagkatapos, buhusan mo para hindi pumanghi."

"Okay. Sorry, ha? Malay ko bang nandiyan ka," sabi nito.

"Never mind." Kanina pagkagising niya, tulog na tulog pa sa sofa si Carlo. She even smiled because he looked like a babe, mapayapang-mapayapa ang hitsura at kasyang-kasya lang sa sofa; samantalang kung siya ang mahihiga roon, walang paglalagyan ang paa niya kundi sa armrest.

"May nakita ka ba?" tanong pa ni Carlo, nakabawi na yata sa kahihiyan. May himig na ng kapilyuhan ang tanong.

Humalukipkip si Coco. "Do you know what a conceited male is?"

Umiling ito, kasabay ang pagkilig.

She wanted to laugh out loud.

"He holds his two-inch dick like a baseball bat." Pagkatapos ay sinulyapan niya ito nang pailalim. "Walang aagaw riyan, para namang makakawala—" Hindi na niya napigil ang paghagikgik. Iniwan na lang niya ito.

Pinakawalan niya sa banyo si Gustav, tiningnan niya ang sugat nito, nakaawang pa rin. Binendahan na lang uli niya iyon. Hindi naman nagtagal ay nasa kusina na rin si Carlo. Agad itong kinahulan ni Gustav.

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon