Chapter 6

7.9K 200 27
                                    

MATAPOS magulat, nagawa naman ni Coco na kalmahin ang sarili. Narinig niya kanina na may tumatawag sa labas. Noong una ay ayaw niyang pansinin iyon, but the man was persistent.

Bubuksan na sana niya ang pinto, pero nahulog sa sahig ang bote na lalagyan ng hawak-hawak niyang linseed oil. Nasagi siya ni Gustav at tumakbo ang aso sa pinto. Hindi niya malaman kung saan gumulong ang bote kaya nagpasya siyang kumuha na lang ng flashlight. Madilim ang ilalim ng isang cabinet sa kusina.

Then she sensed that something or someone was behind her. Pagtayo ni Coco at paglingon, this guy was standing there, clutching a jar of something, nakaawang ang bibig, namimilog ang mga mata.

"Sino ka?" tanong niya.

The guy blinked twice. "Huh?"

"Ano ang kailangan mo?"

Mukhang alanganin ang ngiti ng lalaki. "I-ikaw ba ang nakatira dito?" tanong nito.

Tumango si Coco. "Ano ang maipaglilingkod ko?"

"A-ako si Carlo," sabi nito. "T-tagariyan ako sa farm sa tapat—"

"What do you want?" The last thing she needed was an intruder.

"Dinalhan kita ng buko-pandan." Iniabot nito sa kanya ang garapon. "Masarap 'yan."

Hindi agad tinanggap ni Coco ang garapon. "I'm sorry, but I am busy right now."

"Here, para sa 'yo 'yan," giit ng lalaki. "G-gusto ko lang makilala ang bago naming neighbor. Ano nga pala ang pangalan mo, Miss?"

"Coco," sagot niya at wala siyang choice kundi tanggapin ang garapon.

"Nice to meet you, Coco. May last name ka?"

"Artiaga," sabi ni Coco kasabay ng pagbuntong-hininga. Totoo nga yata ang kasabihan na mas mahirap itaboy ang maliliit.

"Coco Artiaga." Parang napaisip ang lalaki. "Sounds family, saan ko ba narinig 'yon?"

"Mister, kung hindi mo mamasamain, I have to see you to the door. I am busy," ulit niya.

"Alam ko na!" bulalas naman nito bigla. "Model ka, 'di ba? Ang tangkad mo, eh."

"I don't know what you're talking about, Mister..."

"Domingo. Carlo Domingo. Call me 'Carlo.' Ang mabuti pa, tikman mo 'yang buko-pandan. Masarap 'yan, gawa ni Tita Jovie."

She realized she had no choice. This guy from Lilliput was persistent. Habang itinataboy niya, lalong nagiging makulit.

"All right." Kumuha si Coco ng isang bowl at dalawang platito, ipinatong sa mesa.

"Ako na ang magbubukas," agap ng lalaki at binuksan ang garapon. Ito rin ang naglagay ng salad sa bowl. "Masarap ito." Sinalinan din nito ang isang platito at ibinigay sa kanya. "Taste it."

"Paano ako makasisiguro na walang pampatulog ito o lason?" tanong niya. Wala siyang kilala sa lugar na iyon. She should be wary of strangers.

She made a mental note of changing the lock of the door. Minsan nga ay inaakala niyang nai-lock na niya iyon, pero hindi naman pala kumagat ang lock. Ganoon siguro ang nangyari kaya nakapasok ang lalaki. Hindi naman niya maasahan si Gustav. It was supposed to be a guard dog, pero kung umasta'y daig pa ang chihuahua.

At nasaan na nga ba ang asong iyon? Sumiksik na naman siguro sa gilid ng lababo kung saan marami pang nakapatas na mga kahon, mga lumang gamit na plano niyang i-sort out pa bago i-discard.

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon