"SEND in the clown," kanta ni Rei habang papunta si Carlo sa gitna ng basketball court sa lugar nina Betsy sa San Andres. Ginayakan iyon ng mga banderitas at nakapaligid ang mga bata.
Lahat ay excited sa children's Christmas party na ibinigay sa mga ito ng Bud Brothers. Their eyes were filled with anticipation. They knew a lot of goodies were in store for them. Tig-i-tig-isa na ang mga bata ng kiddie meal, patapos nang magsikain, at nagsisigawan na dahil papasok na ang inaabangang clown.
Inayos ni Carlo ang kanyang orange na afro wig. Bago siya pumunta sa gitna ng basketball court ay nag-tumbling na. Palakpakan ang mga bata.
Tumindig si Carlo at itinaas ang dalawang kamay. "Katahimikan mga katoto!" wika niya. Ayaw pa ring tumahimik ang mga bata. "Sinabing magsitahimik kayo, pagbababarilin ko kayo!" Nagdabog pa siya. Mula sa bulsa ng clown costume ay naglabas siya ng baril. "Tatahimik kayo o hindi? May bala 'to!" Itinutok niya iyon sa mga bata.
Nagtawanan lalo ang mga bata.
"Tumahimik muna tayo at magsitayo," aniya. Tumayo naman ang audience. "Kakantahin natin ang pambansang awit ng Pilipinas bago tayo mag-umpisa," announce niya. "Ilagay ang kanang kamay sa dibdib. Like this." Sinuntok niya ang sariling dibdib.
Nagsisunod naman ang mga paslit.
"One, two, ready sing!" aniya at ikinumpas ang isang kamay. "Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako..."
Nagkagulo ang mga bata sa sobrang tuwa, pati naman mga nanonood na matatanda ay humalakhak din.
"I love you, brod!" sigaw ni Dick mula kung saan.
"I LOVE him, too," sabi ni Coco sa sarili. Nakaupo siya sa likurang hanay ng mga monoblock chairs, kagrupo ang mga bata na kitang-kita niyang maligayang-maligaya sa regalo sa mga ito ng Bud Brothers.
Nadagdagan pa ang kasiyahan doon nang magsimulang mag-perform ng tricks and antics ang clown. Pati naman siya ay napapahagalpak ng tawa at hindi mabura-bura ang ngisi niya. But just the same, she couldn't wait for the party to be over so she could approach the clown.
Nang makabalik siya sa resort sa tulong ni Wayne at ng iba pang brods ni Carlo, umuwi siya sa bahay ng kanyang mama.
"I'm back, mother!" anunsiyo niya. Napaluha siya nang makitang bigla ring lumuha ang kanyang mama. Alam na ng mama niya na hindi lamang siya umuwi. Natapos na ang pagluluksa niya.
Hinintay na lang niyang tawagan siya ni Carlo o kaya ay bisitahin. Maabilidad ito, kayang-kayang hanapin kung saan siya nakatira. Ngunit lumipas ang isang buwan at ngayon ay isa't kalahating buwan na, ngayon lang niya nakita si Carlo—naka-clown costume pa. She couldn't even see his face.
Hindi pa rin niya ito nakakausap at inis na inis na siya nitong mga nakaraang linggo. Did he just decide that he didn't want her at all?
Pero hindi rin niya maiwasang ma-amuse sa sarili dahil bumalik na nga ang dating siya. Nagsisimula na nga siya ng panibago. Kung hindi ba naman, she felt like a teenager most of the time na first time nagkagusto sa isang lalaki. Ang mga gabi niya ay puno ng mga ilusyon at pangarap, minsan ay luha dahil miss na miss na niya si Carlo.
Then two days ago, natanggap niya ang imbitasyon para sa party na iyon. Naglulundag siya sa tuwa at hindi na makapaghintay. Nagbabad pa siya sa beauty parlor at ilang beses siyang nagpalit ng damit. She wanted to be beautiful kapag nagkaharap sila ni Carlo.
Ibinalik niya ang isip sa kasalukuyan. Carlo was performing that trick she called happiness. Aliw na aliw ang mga bata at lahat ay sinubukang hulaan kung saan mapupunta ang coin.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)
RomanceAng gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa...