"ANO raw 'yon?" usisa kay Carlo ni Dick pagbalik niya sa kubo. Basta may kinakain, kahit yata may atomic bomb, hindi matitinag ang brod niyang ito.
"May kinatay ng aswang doon. Grabe, wakwak ang tiyan. Kakulay niyang caldereta ang tiyan, wala nang laman, mga namuong dugo na lang. Wala na rin yatang puso." He could see the dead man's ribs, his insides totally hollow, parang baboy sa mesa ng matador. Dilat na dilat din ang mga mata nito. Buhay pa kaya iyon nang laslasin ang tiyan? He hoped not.
"Ingat ka, baka ikaw ang sumunod," sabi ni Dick.
Naupo si Carlo sa isang upuang kawayan. "Totoo nga kaya ang aswang?"
Mula sa may pintuan ay may nagsalita. "Alam n'yo, 'yang mga aswang, werewolves, monsters, gawa lang ng imahinasyon ng mga tao; dahil ang mga ancient people, hindi nila kayang ipaliwanag kung bakit may mga namamatay na mutilated. Wala pang psychology noon, walang magpapaliwanag na ang mga ganoong krimen ay kayang gawin ng isang tao na nagkataon lang na deranged. In modern times, those people were called "psycho killers," kadalasan, series ang ginagawa nilang pagpatay at iba-iba ang motibo."
"Very well said, Edgardo," sabi ni Carlo sa brod na puwedeng ihilera kina Leandro Baldemor at Carlos Morales. Sobrang guwapo at macho nito, mukha tuloy bold star. "Pero wala namang serial killer dito sa Pilipinas. Hindi uso 'yan dito. Ang uso rito, massacre."
"I was just answering your question," sabi ni Ed. "Walang aswang."
"Eh, sino 'yong kumatay ro'n sa patay na natagpuan?" tanong niya.
"Baka baliw," sagot ni Ed at naupo rin sa katabi niyang upuan, ipinatong sa kandungan ang laptop at binuksan.
"Baka ikaw dahil malapit ka nang mabaliw," sabi ni Carlo. "Na-discover mo na ba kung paano makakabalik sa nakaraan?" tanong pa niya. Obsessed si Ed sa theory na puwedeng maglakbay sa panahon ang isang tao.
"It is possible. There's a time warp in space."
"Itanong mo kay Mario at Luigi," sabi ni Dick. "Expert sila sa warp zone."
"Brod," sabi ni Ed na tumingin sa kanilang dalawa, "I've talked to Jimmy Licauco the other week, I attended his seminar on mind power and astral travel. He told me, everything had already happened in another plane of our existence. The things we imagine, perhaps the reason we imagine them, is because they are already a reality in another space, in another time—"
"From science to occult," sabi ni Dick.
"Ba't kasi hindi mo pa tanggapin na may asawa na si Candie?" sabi naman ni Carlo. "Kahit pa totoo ang teoryang 'yan, the truth is, nandito tayo sa plane na ito. At ang realidad dito, sawi ka sa pag-ibig."
"Yeah, but maybe I can make my soul go to her place and take the place of her husband on their matrimonial bed," wika ni Ed, mukhang obsessed nga.
"Does the soul have semen?" tanong naman ni Dick. "Or can it have an erection?"
"Sumanib ka na lang sa asawa ni Candie," wika naman niya.
"It's useless talking to you, guys," wika ni Ed at isinara ang laptop. "May nakatira na pala riyan sa bahay sa tapat," wika pa nito.
"Nakita mo na?" tanong niya, not understanding why he was interested. But then again, he was perpetually curious.
"Oo, babae. Nakita ko kagabi na bumaba mula sa kotse."
"Maganda?" tanong agad niya.
"Medyo. Hindi ko naman nakita masyado ang mukha. Matangkad, mahaba ang buhok."
Matangkad. Nabuhay na agad ang hasang ni Carlo, dahil ang weakness niya sa mga babae, iyong puwedeng center ng WBA. Dahil siguro kinulang siya sa height kaya kabaligtaran niya ang mga tipo niya.
Tumayo siya. "I think I'm paying our neighbor a visit," deklara niya.
"Mag-briefs ka muna," paalala ni Dick.
"Ba't mo alam na wala akong briefs? Bading ka nga siguro, brod."
"Yeah, I love your butt," sabi ni Dick.
"Makalayas na nga. Pareho kayong abnormal," sabi ni Carlo. "'Asan ba'ng pantalon ko?" Pumasok siya sa loob at kinuha sa sabitan sa likod ng pinto ang kanyang maong.
"Brod, ano 'yan, Osh Kosh Bigosh?" tukso pa ni Dick.
"Excuse me, five-o-one 'to. Classic."
"May nagkasya sa 'yong Levi's?" tanong ni Ed.
"May sastre naman," sabi niya. Lahat ng pantalon na binibili niya, kailangan niyang dalhin sa sastre at pabawasan ang haba. Kaya lagi siyang tinutukso na sa Osh Kosh namimili ng damit, pang-toddler daw ang size niya.
Isinuot ni Carlo ang maong. "Inggit lang kayo dahil kaming maliliit, matitinik. Itanong n'yo pa kay Imeldific at Josephine." Maliit din yata si Napoleon Bonaparte, si Rizal, at si GMA!
"Ano nga ba'ng height mo, brod?" Mukhang gumaganti si Ed sa panlalait niya sa love life nito kanina.
"Five-eleven. Vertically and horizontally." He indicated his crotch.
"Freak," sabi ni Dick.
"Inggit lang kayo dahil wala kayong magic band," sabi niya at dinukot sa bulsa ng pantalon ang keyring. "Magpapapogi lang ako," sabi niya at bumaba na ng kubo.
Ilang sandali pa, sakay na si Carlo ng kanyang Wrangler jeep. Nang tumapat siya sa lumang bahay, bahagya siyang nag-menor; pero kagaya kanina, mukhang walang nakatira doon. Tahimik na tahimik ang paligid.
Sa apartment building siya ni Pio dumeretso dahil doon na siya tumira mula nang magretiro sa trabaho. Minana niya ang dating unit ni Wayne. Sa Silang, Cavite na nakatira ang brod niya, doon nagpagawa ng bahay; at siyempre, kapiling si Betsy.
Nang manahin ni Carlo ang unit nito, para iyong lungga ng ermitanyo, malungkot at madilim. Ipinamana rin sa kanya ni Wayne ang mga kurtinang dark ang kulay.
Pinalitan niya pati pintura ng apartment. He used sunny yellow. Pinagtatawanan nga siya ng mga brod niya kapag naliligaw sa apartment niya—dahil panay roses ang makikita roon. All his throw pillows had a rose design. Even his wall clock was shaped and colored like the flower, pati nga mga plato niya.
He took a quick shower. Nagpalit siya ng pantalon at dilaw ang isinuot na sport shirt. He brushed his wavy hair away from his face, para lumitaw ang pagka-mestizo niya. He looked like a Hollywood movie star.
Now, he wasn't being vain. Mga ex and current flings niya ang nagsasabi niyon. Nag-spray siya ng cologne, then stepped on his tan loafers.
Paglabas ng kuwarto, dumaan muna si Carlo sa kusina at kinuha sa ref ang isang garapon na buko-pandan na padala ng mommy dearest ni Pete. Kay Pete iyon, pero ayaw na ayaw naman ng brod niya na pinadadalhan ito ng kung anu-ano ng ina kaya sa kanya iniiwan ang mga goodies.
Ilang saglit pa ay sakay na uli siya ng jeep pabalik sa direksiyon ng farm; pero sa labas ng gate ng lumang bahay siya huminto, hinagip sa kabilang upuan ang garapon at bumaba.
"Tao po!" tawag ni Carlo kasabay ang pagkalampag sa gate. "Tao po ito!" Pero parang walang tao roon. Napansin niyang hindi naman naka-padlock ang gate, may alambre lang na nagsusugpong doon. Nang itulak niya nang bahagya ay umawang iyon. At dahil small but terrible siya, nagkasya siya roon. Tuloy-tuloy siya sa bakuran hanggang sa hagdanang kahoy sa bandang gilid ng bahay.
"Tao po, yahooo! Tao po ito! May dala akong buko-pandan, ya-hooo!" Umakyat siya sa hagdan hanggang nasa dulo na siya, facing the double door.
He heard footsteps coming from inside, parang palapit sa pinto. "Tao po, ire!" sabi pa niya.
Bumukas ang pinto.
Ganoon na lang ang hiyaw ni Carlo.
Totoo ang aswang!
BINABASA MO ANG
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)
RomanceAng gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa...