Chapter 2

8.6K 202 1
                                    

INILAHAD sa kanya ni Jophet, the weather guy, ang kanang palad, pagkatapos ay parang pinabayaan na siya kung ano ang gagawin niya roon. His handshake was as limp and soft as his name. Her mother must have gone crazy agreeing on their deal. O hindi nito alam na mukhang instant noodle ang Jophet na ito?

Mukhang nerbiyos na nerbiyos din ang lalaki. Parang nanginginig pa ito nang hilahin ang upuan para sa kanya. He also looked disappointed. Parang hindi nito inaasahan na kagaya niya ang ka-blind date. Nang makita siya nito ay na-realize siguro na hindi ito nababagay sa kanya.

Halos hindi sila nag-uusap habang kumakain. Nahalata rin ni Coco na gusto na nitong tapusin ang date nila at umuwi na. Hindi na sila um-order ng dessert.

"P-pasensiya ka na, Coco, if I'm not much of a conversationalist or a dinner companion," sabi nito nang ihatid siya sa sasakyan niya.

"Never mind. I enjoyed—the food," sabi ni Coco.

"T-to be frank, hindi ko naman ine-expect na si Coco Artiaga ang makaka-date ko. I just didn't know Lou is your sister. Hindi ko naman naisip na makakadaupang-palad ko ang isang sikat na painter na kagaya mo. Totoong bagyo lang ang kaya kong harapin, hindi bagyong kagaya mo."

Naawa naman si Coco sa lalaki. "It was nice meeting you, Jophet. Ituring na lang natin itong isang kakaibang experience sa buhay natin. Ako, it never occurred to me that I would be dining with a weatherman. It was interesting," she lied.

"Thanks."

At least, alam ng Jophet na ito kung saan dapat lumugar. He wasn't boastful and self-centered kagaya ng iba niyang naka-dinner date.

"I think we could be good friends," sabi ni Coco, this time, puno na ng sinseridad. Ginawaran niya ng halik sa pisngi ang lalaki na halos kasintaas lang niya; but he was lanky, kulang sa grace at firmness. Nakasalamin din ito at mataas na ang hairline.

"Yeah." Tumango ito. "But I won't be expecting that you'll give me a call."

Ngumiti na lang si Coco at naupo sa harap ng manibela. The car was Miguel's. Wala siyang balak ibenta iyon o baguhin man lamang ang kulay.


PAGDATING ni Coco sa bahay nila, mukhang hindi na umaasa ng magandang balita ang kanyang mama.

"K-kailan ka aalis?" ang una nitong tanong.

"I'll check the place tomorrow," sagot niya.

"Hindi mo ba talaga puwedeng sabihin sa akin kung saan iyon?"

"I'm sorry, 'Ma. But I promise to give you a call every other day. Stop worrying about me. I know what I'm doing. You just don't know how much I appreciate your consent, Mama."

"But you must also realize that I don't like this."

"Yeah, but weren't you the one who told me that we should learn to live with the things we don't like because they're parts of life?"

Hindi na ito nagsalita. Dumeretso na si Coco sa kanyang kuwarto. For the first time, she felt something akin to excitement.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mama at mga kapatid, may nabiling property sa Lian, Batangas si Miguel. Hindi rin naman niya alam iyon noong buhay pa ang lalaki. Nalaman na lang niya iyon nang mamatay ito at makausap niya ang abogado nito. May sulat pa para sa kanya si Miguel. Pero tungkol sa mga pangarap nila ang sulat, ginawa ni Miguel noong hindi pa nada-diagnose ang cancer nito, when he thought they would live happily forever.

Ayon sa letter, sinamantala na ni Miguel ang murang halaga ng property kahit na malaking bahagi ng personal savings nito ang nagalaw. Balang-araw ay magiging bahay-bakasyunan nila ang property. Kapag may kanya-kanya nang buhay ang mga magiging anak nila, they would probably retire to that place.

Minsan nang binisita ni Coco ang lugar. More than a hundred square meters iyon, nakatirik sa gitna ang isang lumang bahay na pawang yari sa capiz ang mga bintana. Masukal ang paligid ng bahay at mukha ring maraming dapat i-repair doon.

Umawang ang pinto ng kuwarto niya at sumilip ang mukha ni Gustav, her black Labrador. It was still a puppy when Miguel died; pero ngayon, mistula na iyong baboy-ramo sa sobrang laki. Very intimidating iyon at siya lang ang nakakaalam na ugaling shitzu ang aso. Akala rin yata ni Gustav, kasinlaki lang din niyon ang naturang breed ng aso, laging gustong magpakandong.

Kinawayan ni Coco ang aso. Agad naman iyong lumapit at sumampa sa kama niya.


Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon