Chapter 12

7.3K 189 9
                                    

"Bakit walang tao dito?" tanong ni Carlo sa isang tauhan sa farm. First Saturday of the month at may meeting sila, kaya kahit ayaw pa niyang bumangon ay pinilit niya ang sarili. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw.

Masama pa rin ang loob niya dahil sa pagpapababa sa kanya ni Coco mula sa kotse at pagbulyaw sa kanya nito noon pang isang araw. Hindi siya sanay makaranas ng ganoon nang dahil lang sa isang babae. Nanay lang niya ang nambubulyaw sa kanya. The rest of the specie adored him.

Or so he thought. Hindi siya handa sa kagaya ni Coco.

"Nagpunta ho silang lahat sa Matabungkay. Doon daw kayo magmi-meeting," sabi ng isang tauhan nila.

"Ha? Bakit hindi ako sinabihan?" Pero naalala niyang wala na naman nga pala silang sekretarya. Walang tumatagal sa kanilang sekretarya dahil kapag maganda, nabibingwit ng mga brod niya. Iyon namang huli, sobrang boba kaya inihanap na lang nila ng ibang trabaho.

"Dumating ho si Sir Wayne, nagyaya sa Matabungkay. Binilinan na lang ako na pasunurin yung mga hindi pa dumarating."

"Ganoon ba? Sige, susunod na lang ako." Mabuti pa ngang pumunta siya sa beach kaysa magmukmok. At least doon, baka may makilala pa siyang maganda at sexy at hindi nambubulyaw.

Bumalik siya sa sasakyan.

Wala namang treinta minutos ay nasa Matabungkay na siya. May resort doon na lagi nilang ginagamit kapag gusto nilang magsaya sa beach. Doon siya pumunta.

"Nasaan sila, manong?" tanong niya sa matandang katiwala ng resort na nasa parking area.

"Nandoon sila sa yate," sabi ng katiwala.

Namilog ang mga mata ni Carlo. "Yate? As in yacht?"

Tumango ang matandang lalaki.

Bumaba siya mula sa sasakyan at kasabay niya ang katiwala na pumunta sa beach. Sa bandang kaliwa ay tanaw niya ang nakadaong na puting-puting yate, mahigit isandaang metro buhat sa kinaroroonan nila. Tumakbo na siya papunta roon.

Natanaw niyang kumakaway sa kanya sina Dick at Ed. Tanaw na rin niya ang pangalang nakasulat sa katawan ng yate: BETSY.

"The son of a bitch bought his wife a yacht!" usal niya at binilisan ang takbo.

Si Betsy ang sumalubong sa kanya pag-akyat niya. He had not seen her in months. And that day, she looked bigger, fatter, lalo na sa bandang balakang at baywang.

"Are you pregnant?" tanong niya.

"Yup. We're so excited. Wayne's so excited," sabi nito.

He felt happy for his brod; he also felt envious. Lalo na nang makita rin niya sa deck sina Sandy at Georgie na nagtsitsikahan. Sa di-kalayuan ay natanaw niya si Pete, kausap si Mary. Balak na nga yata ng brod niyang pakasalan ang paslit.

"Congratulations," sabi niya kay Betsy. Nakita niya si Wayne. Binati rin niya ito at kinamayan. "Kanino mo naman na-score itong bangka mo, brod?" tanong niya.

"Some Chinese. Ok ba?" sabi ni Wayne.

Sunud-sunod ang tango niya. "'Pag nag-asawa ako, pahiram nito, ha? Dito ako magha-honeymoon, para tipid."

"Mukhang may pakakasalan ka na, huh?" ani Wayne.

"May nakilala 'yang aswang," sabad ni Dick, may hawak na hita ng manok.

"Tito Carlo, hello!" bati ni Mary at lumapit sa kanya. Nakasuot ito ng denim jumpers at fisherman's hat. She was gorgeous. Hindi niya masisisi si Pete kung ma-in love sa paslit.

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon