Chapter 17

6.4K 198 22
                                    

NARINIG ni Coco na pumasok na rin sa bahay ang mga pulis. Nagsisigawan pa rin ang mga lalaki sa labas, pero hindi na siya makakapaghintay.

Itinulak niya ang tokador at kama, pagkatapos ay sumilip sa labas. Maliwanag doon dahil sa mga emergency light na dala siguro ng mga sumaklolo.

May dalawang lalaki na dinadaganan ng mga kalalakihan. Wala si Carlo. Si Gustav ay nakalabas na ng kuwarto. Nang sundan niya ng tingin kung saan pumunta ang aso, saka lang niya nakita si Carlo, nadaganan ng rocking chair at mukhang hindi makabangon. Ito ang tinatahulan ni Gustav. Her dog was also trying to get rid of the chair.

"Carlo!" sigaw niya at dinaluhan ito. Isang pulis ang bumuhat sa rocking chair at iniayos iyon ng tayo. "Are you all right?"

Umungol si Carlo na duguan ang sulok ng isang mata at labi. Pero may malay naman. Iyon ang mahalaga.

"Officer, dalhin natin siya sa ospital," sabi niya sa pulis.

"'Wag na, okay na ako," sabi ni Carlo at naupo, dinama ang sulok ng mata. He winced.

Naposasan na ng mga pulis ang dalawang lalaking pinagtulungan ng mga kasama ni Carlo. Unanimous ang mga iyon sa pagsasabing dayo lang doon ang dalawa, halata pang bangag sa bawal na gamot. Halos wala nang ulirat ang mga iyon.

"Pare, kailangan yatang matahi 'yang sugat mo," sabi ng isang pulis kay Carlo.

"Hindi na siguro. Tumama lang ako sa kanto ng mesita," sabi nito. "Ito kasing si Bogie, itinulak ako," sisi pa nito sa isang tauhan.

"May baril, Bossing, eh. Baka tamaan ka."

"Dadalhin pa rin kita sa doktor. Kailangang matingnan ang sugat mo," giit niya.

"Sabi mo, eh," wika na lang nito.

Hiningi niya rito ang susi ng Wrangler Jeep at siya na ang nagmaneho patungo sa isang klinika. Sabi ng mga pulis, kung gusto raw niya ay bukas na siya pumunta sa presinto para magsampa ng reklamo. Sumang-ayon siya. Hindi na siya interesado sa dalawang addict dahil hindi naman siya nasaktan ng mga iyon. Ang gusto lang niya ay mapatingnan sa doktor si Carlo. Kahit pa nakakalakad naman ito nang diretso.

It turned out, ayon na rin sa salaysay nito habang papunta sila sa clinic, sumugod ito sa bahay niya kasama ang mga tauhan sa farm. Nakita nitong binabaril ng isang lalaki ang pinto ng kuwarto niya. Sumugod ito, pero humarap dito ang addict, akmang ito ang papuputukan. Itinulak ito ni Bogie kaya tumama sa mesita ang sulok ng isang mata.

Pagkatapos niyon, kinuyog ng mga tauhan ang dalawang addict, hindi alintana kung may baril man ang mga iyon.

"Nagulat na sila, eh. At saka, addict nga, lusaw na ang utak. Hindi na sila nakabuwelo sa mga tauhan ko," sabi nito.

"Sino naman ang sumuntok sa bibig mo?" tanong niya. Namamaga na ang sulok ng lower lip nito.

"Wala. Nakisugod din ako, kaso parang buhawi 'yong mga tauhan ko, naisalya ako nang hindi sinasadya. Bumalandra ako sa rocking chair, tumama ang labi ko sa sarili kong knuckles," amin nito.

Napangiti siya. "Akala ko pa naman, nag-ala-Rambo ka. Ibig mong sabihin, ikaw lang ang hindi nakapanggulpi sa mga addict na 'yon, pero ikaw ang kailangang dalhin sa doktor?"

"Superman ako, eh," sabi nito. Kapwa na lang sila napahalakhak.

Hindi naman nga kinailangan pang tahiin ang mga sugat ni Carlo, nilinis lang ng nurse at binigyan ito ng gamot. Inutusan na itong umuwi.

"Doon ka muna sa apartment ko. Magulo pa sa bahay mo," suhestiyon nito.

"Paano si Gustav?"

"Aso 'yon, makaka-survive 'yon."

"Maghahanap na lang ako ng motel."

"Sa bahay ka na lang, gagastos ka pa."

"Bakit ba mapilit ka?"

He eyed her. "Kasi, masuwerte yung unit ko. Lahat ng tumira doon, nagkaasawa. Malay mo, suwertehin din ako."

Napalabi siya sa pagka-amuse. "Gusto mo na bang mag-asawa?"

"Sabi nila, masarap daw. Kaya gusto ko rin. At 'pag napatunayan kong masarap nga, mag-aasawa uli ako."

"Huh?" Napamata siya rito.

"Eh, 'di ba, kapag masarap, gusto nating ulitin nang ulitin? Kung masarap mag-asawa, uulitin ko rin. Ikaw, ano'ng masasabi mo? Masarap ba ang mag-asawa?"

Tumango siya.

"Diulitin mo," sabi nito.    

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon