Chapter 11

7K 192 14
                                    

IN LESS than twenty minutes naman ay nasa bayan na sila.

"Tingnan mo 'yang mga 'yan. Kawawa," komento ni Carlo. Naglipana ang mga pulubi sa mga bangketa, nanlilimahid ang mga bata na siya pang inilalapit ng mga ina sa mga taong dumaraan para humingi ng limos. "Kapag nakikita ko sila, naiisip ko kung gaano ako kasuwerte."

She glanced at him. "Mamamatay rin sila, bakit ka maaawa?" Kitang-kita naman niyang napatanga sa kanya ang lalaki.

"Hindi ka naaawa sa kanila?" Mukhang hindi ito makapaniwala sa narinig sa kanya.

"Nope. We're all gonna die. It doesn't matter what we are when we're alive. Iisa ang patutunguhan natin. There's no sense trying very hard to be anything. Everybody, good or bad, rich, poor, young or old, mamamatay lang. Ikaw at ako, when we die, we're dead. No more. Nada. Nothing."

"I don't believe you!" bulalas ni Carlo. "Oo, nga at mamamatay tayong lahat, pero importante rin naman na may nagawa tayong maganda sa buhay natin. Importante na may narating tayo kahit paano. Importante rin na makagawa tayo ng kabutihan para sa heaven tayo mapunta."

She looked at him mockingly. "That's just religion. Heaven, hell, nirvana, reincarnation—they're just religion. Men invented religion. That ought to tell you something," wika ni Coco.

"Oo, nga. Aminado naman ako na religion ang ugat ng mga kaguluhan dito sa mundo; pero ang alam ko, may Diyos. Kahit ano ka pa, dapat maging mabuti kang nilalang—"

"God is religion."

"Ergo, God is man-made? 'Yon ang ibig mong sabihin? Hindi ka naniniwala sa Diyos? Ano'ng pinaniniwalaan mo?" Anyong manghang-mangha ito.

"I believe in death. It's the be-all and end-all of our existence. No matter what you've accomplished, magiging abo ka pa rin kapag namatay ka. Wala ka nang ipagkakaiba sa mga pulubi na kinakaawaan mo."

"Aswang ka nga!"

Natanaw naman ni Coco ang karatula ng animal clinic, naghanap siya ng puwedeng pagparadahan.

"Diyan mo iparada sa harap ng building sa tapat," wika ni Carlo.

May kadena roon at may nakasulat na: RESERVED.

"Are you crazy? Hindi ako papayagang mag-park diyan."

"Kilala ko ang may-ari ng building. Brod ko. Diyan ka na pumarada. 'Wag ka nang lumayo at mahirap kaladkarin ang alaga mo."

"Are you sure?"

Sunud-sunod ang tango nito. Ibinaba nito ang bintana at kinawayan ang nakatalagang guwardiya. Kumaway rin iyon, inalis pa ang nakaharang na kadena at reserved sign. Sinenyasan sila nito na pumarada na.

"See?" sabi ni Carlo.

She had to admit, malaki rin naman ang pakinabang niya sa kapirasong taong ito. "Thanks," wika niya.


PAGKAGALING nila sa animal clinic, nag-suggest si Carlo na dumaan na rin sila sa opisina ng barangay captain. Ipakikilala raw siya at nang matigil na sa pag-aakalang aswang nga siya. May katwiran naman ito kaya pumayag na siya.

Halatang nagulat ang kapitan nang pumasok sila.

"Ipinakikilala ko ho sa inyo ang aswang," wika ni Carlo. Nasa likuran nila si Gustav na parang galit na naman. Natandaan yata ang amoy ng kapitan.

"Ha-eh..." ang tanging nasabi ng matandang lalaki.

"Ako ho si Coco Artiaga. Nabili ko iyong lumang bahay. Kalilipat ko lang." Sumulyap siya kay Gustav. "Si Gustav, po, alaga ko. Naiintindihan ko naman ho kung napagkamalan n'yo siyang aswang," paliwanag niya.

"Eh, taga-saan ka nga, ineng?" tanong ni Kapitan.

"New Manila po. Gusto ko lang pong subukan kung puwede akong magtagal dito sa Lian. Nasisikipan na ho ako sa Manila at gusto kong mapag-isa. Pasensiya na ho kung... natakot kayo sa akin."

"K-kami ang pagpasensiyahan mo, ineng. K-kung may nasira kami sa bahay mo, huwag kang mag-alala't magpapadala ako ng mga tao roon para mag-repair. A-ano nga uli ang pangalan mo?"

"Coco. Coco Artiaga." Nakipagkamay siya sa kapitan.

"Pasensiya ka na ulit, ineng." Tumingala pa ito sa kanya. "Ang tangkad mo naman—"

"Artista ho 'yan," sagot ni Carlo.

"What?" siniko niya ito.

"Aba'y kaya pala kaganda mo. S-saan ka nag-aartista—"

"Sa radyo ho," wika ni Carlo.

Hindi marahil matiyak ng kapitan kung nagbibiro o nagsasabi ng totoo si Carlo. Tumawa na lang ito. "Ay siya, ineng, magpapapunta na lang ako roon ng tao para maayos 'yong nasira namin."

"Salamat po." Nagpaalam siya at naunang lumabas. Kasunod niya si Carlo at si Gustav.

"What was that all about?" asik agad niya nang makasakay ito sa kotse.

"Ano na naman?"

"Bakit sinabi mong artista ako? Sira ka ba? Paano kung naniwala 'yon? Paano kung sugurin ako ng mga tagarito at usyusuhin? That is the last thing I need. I came here to be alone. You should have known that by now!"

"Bakit ba gusto mong mapag-isa? At saka, sinabi ko lang 'yon para hindi na nila tanungin kung ano ka dahil alam ko naman na hindi mo sasabihin. Pa-mysterious effect ka pa!"

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin!" Pinaandar niya ang sasakyan.

"Alam ko na. Nabigo ka sa pag-ibig at gusto mong makalimot kaya nagbuburo ka rito," wika ni Carlo.

"Shut up!"

"Pero kung ako naman ang boyfriend mo, hindi kita iiwanan. Mangyayari lang 'yon kung mamamatay ako nang wala sa oras."

Sa sinabi nito, bigla siyang nagpreno. "Get out!" utos niya.

Namangha naman ito. "Huh?"

"I said, get out! I don't need you or anybody else. Leave me alone!"

Matapos siyang pagmasdan nito, para siguruhin siguro na hindi siya nagbibiro, tahimik itong bumaba mula sa sasakyan. Hindi rin nito ibinagsak ang pinto nang isara iyon.

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon