Chapter 13

7.2K 184 9
                                    

GUSTO nang pagsisihan ni Coco ang pagtira sa lumang bahay. Ang gusto lang niya ay katahimikan; pero ngayon, rinding-rindi na siya sa naririnig na mga pukpok na likha ng dalawang karpintero na ipinadala ng kapitan ng barangay. She should be grateful, but she couldn't help feeling that her lair was being disturbed.

Hindi niya magawa ang gusto niya, which was nothing at all. Maya't maya ay nagtatanong sa kanya ang mga karpintero. Habang nagkukumpuni ang mga ito, parami pa nang parami ang nakikitang dapat kumpunihin. Akala niya, naayos na lahat ang dapat ayusin noong naunang nagkumpuni roon. Hindi pa pala.

Ayaw niyang kumain dahil hindi naman siya nagugutom, pero obligado siyang magprepara ng pagkain dahil obligasyon niyang pa-merienda-hin ang mga karpintero. Na-realize din niyang hindi sanay sa taong hindi nakikipag-usap ang mga tagaroon. They all expected her to be nice and friendly at wala sigurong balak ang mga iyon na pakisamahan siya. Siya ang makikisama sa mga ito.

Nagtitimpla siya ng juice para sa mga karpintero nang marinig niya ang tawag at katok ni Carlo.

"What does he want this time?" iritado niyang bulong, pero tinungo ang pinto.

"What do you want?" tanong niya sa lalaking nakadilaw na naman na sport shirt, grinning from ear to ear.

"Mangungumusta lang," sabi nito. "Ano 'yon?" Sumilip pa ito sa pinto. "Okay ba naman ang mga karpintero mo?"

Nilingon din niya ang dakong kusina, then she nodded. "Yah—" Natigilan siya dahil may hawak nang long-stemmed rose si Carlo. Saan nanggaling iyon? He was doing it again.

"For you," wika nito.

Atubili niyang tinanggap iyon. "Where did it come from?" Hindi naman long sleeves ang suot nito at ayaw man niyang aminin, she was again beginning to be fascinated.

Ngumisi si Carlo at tumalikod, nakasuksok sa bulsa ng pantalon ang dalawa pang long-stemmed roses.

"'Kala mo, magic, 'no?" wika nito pagharap, ibinigay na rin sa kanya ang mga bulaklak.

She smiled despite her sour mood. "Thanks. Ano'ng kailangan mo?"

"Wala naman. Mangungumusta lang. At saka gusto kong mag-sorry dahil sa kakulitan ko noong isang araw. Sorry na. Hindi na ako uulit. Gusto lang naman kitang maging friend," wika nito.

She sighed. Hindi raw mangungulit, pero nakikita na niya sa mga mata nito na iyon ang gagawin. She knew he wouldn't leave kahit paalisin niya ito. Besides, she couldn't be absolutely cruel, lalo na at wala naman itong ginagawang masama.

"All right. Come in. I'll get you something to drink," sabi niya.

Iginawa niya ito ng juice. Nang balikan niya ito sa sala ay prente nang nakaupo sa rocking chair sa may bintana.

"Nasaan ang alaga mong incredible hulk?" tanong nito at tinanggap ang juice. "Thanks."

"Nasa labas siguro. Hindi ko mapigilan, eh."

"Siyempre, kahit hayop, naghahanap din ng romance, gusto rin ng true love," wika ni Carlo.

Pakiramdam niya ay puno ng laman ang sinabi nito. Parang may gusto itong ipahiwatig na hindi niya magugustuhan.

"Painter ka pala at sikat."

She knew it! Kaya siguro ilang araw siyang hindi inistorbo nito, nag-research tungkol sa kanya.

"Paano mo nalaman?" tanong niya.

"'Yong isa kong brod, fan mo. May collection siya ng mga gawa mo. Mahilig ka pala sa mga bulaklak. Minsan, pasyal ka sa farm," yaya pa nito.

Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon