Chapter 11: Confused or Confirmed

2.5K 42 0
                                    

I feel so stupid!! Hindi pa din mawala sa isip ko ang katangahan na nagawa ko nung isang araw.

Hindi nga ako makatingin ng maayos noon sa kanila lalo na kay Kian sa sobrang pagkapahiya.

Muntik ko na ngang hilingin kay twyla na burahin nalang ang alaala ko tungkol sa nangyari.

Grabe talaga ang pagkapahiya na naramdaman ko but at the same time nakahinga din ako ng maluwag.

Para nga akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng malaman kong hindi ako mapapatay ng mga sandaling iyon.

Nasa ganun akong pag-iisip ng maabutan ko si Natasha na abala sa pamimili ng bagong librong babasahin.

Wala pa atang isang oras ng matapos nyang basahin ang libro na nakalagay sa lamesa.

“ Hindi mo pa ba nauubos basahin ang mga libro dito sa library?”

I wonder kung gaano na sya katagal nagbabasa sa tanang buhay nya.

Bakit hindi nya kaya subukan maging Librarian kesa maging isang estudyante.

Para maiba naman.

“ I almost read everything.”

Simpleng sagot nya sakin at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakapangalumbaba.

“ Have you been inlove Natasha?”

Ewan ko ba kung anung masamang espirito ang sumanib sakin para mag-tanung ng mga ganung bagay.

But at the same time gusto ko din malaman ang sagot sa tanong ko.

Napansin kong napahigpit ang hawak nya sa libro at medyo naging matalim ang kanyang tingin.

Putsa na Offend ko ata..

“ Yeah. Pero hindi nya ako mahal.”

“ Huh? Paano mo naman nasabing hindi ka nya mahal? Nagconfess ka ba?”

“ Hindi, useless din naman dahil hindi nya ako magugustuhan.”

“ That was so stupid. If I were you magc-confess ako sa kanya. Malay mo naman may gusto din sya sayo at ikaw yung tunay na mahal nya hindi yung iba.”

“ Pero masaya na sya kanya. Ano pang magagawa ko kundi itago nalang tong nararamdaman ko.”

“ Okey given ng masaya sya dun sa girl. Pero di kaba hindi nagsisisi na hindi ka man lang nag take ng risk.”

“ Wala din naman magbabago. Kapag ginawa ko yun hindi nya din naman ako pipiliin.”

“ How can you be so sure na hindi ka nya pipiliin. Alam mo kasi nat, hindi lahat ng nakikita natin totoo minsan kailangan din natin alamin ng mabuti kung yung nakikita ba natin ay tulad ng iniisip natin o hindi.”

“ Ikaw minah naranasan mo na bang mag-mahal?”

Napatigil ako saglit sa paglalaro ko ng lapis sa mga kamay ko ng tanungin ako ni Nat..

Ngumiti ako ng malungkot sa kanya.

“ Yes. I did but sad to say he left me without saying goodbye.”

Bago pa ako malungkot ng tuluyan ay umalis na ako sa harap ni natasha.

Ngumiti nalang ako sa kanya habang nagwa-wave ng mga kamay ko.

Lumabas nako ng Library..

Pagliko ko sa pathway napadako ang mga mata ko field kung saan naglalaro ng soccer yung ibang bampira. My gosh tama ba ang nakikita ko muka silang nagsspark sa liwanag ng araw..

Maglalaway na sana ako este matutuwa sa ganda ng view ng mahagip ng mga mata ko si Nap.

Tama ba ang nakikita ko nakangiti ang bastusing bampira na ito.

Yung kamay pa nya nakalagay sa baba nya.

Mr. POGI ang peg!!

Sinundan ko ng tingin ang tinititigan nya at TADAH!!

Isang lalaki na mas Hot pa sa Araw ang nasilayan ng Birhen kong mga mata.

Naghiyawan pa ang mga ito ng manalo sa game at pagkatapos ay NAGHUBAD ng upper shirt.

And TADAH!! Ulit . . .Nagsasarapan na pandisal ang nasilayan ko.

Tangnang abs yan. . nakakapanuyo ng lalamunan.

Akala nyo ba ako lang ang tuwang-tuwa dito pwes nagkakamali kayo kasi tong

Katabi ko. Yhup diko namalayan nakalapit na pala ako sa kanya.

Ay Nagsspark ang mga mata. Mukang tuwang-tuwa sa libreng boso.

Teka lang .

Don’t tell me that this handsome guy beside me is actually a GAY!!

“ Your gay my gosh !!! .”

#Confused o Confired

Mischievous Vampire : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon