Damn!! Busog na busog na ako. Twyla was right.
Hindi nga nila iinumin ang dugo ko and by that thought mas lalo pa akong ginanahang kumain.
This place was actually a secret island na malayo sa lahat.
Hindi lang pala puro vampire ang naninirahan dito infact madami akong tao na nakasalamuha kanina.
That’s the reason kung bakit may mga restaurant na sadyang ipinatayo sa isla and one more thing this is actually build para sa mga vampire, but since naging maayos na naman ang ugnayan ng dalawang Race ( Vampire and Human ) kaya naging maganda ang kinalabasan ng isla.
Tulad din ng mga tao mayroon ding batas na sinusunod ang mga vampire. Hindi nila basta-basta maaaring sipsipin ang dugo ng mga tao. Mayroong supply ang isla ng mga dugo mula sa mga hospital o clinic na legal nilang binibili mula sa mga tao. Pero mayroon pa ring mangilan-ngilan na vampire na ginagawa ang traditional na paraan.
“ Yhup . Vampire can actually read minds.”
Habang ako ay nagpapakabundat si Twyla naman ay kwento lang ng kwento sa harap ko.
“ So, that explains kung bakit ganun nalang ang reaction ng Napoleon na yun.”
Napasibangot ako ng maalala ko yung nangyari kanina.
“ Don’t mind him. Hindi lang sya ang mai-encounter mong may attitude.”
“ Yeah right. Anyway sabi mo kanina ngayon lang ako nagising. Di kita na-gets?”
“ Wala ka bang naaalala sa mga nangyari.?Unconcious ka ng ilang araw.”
“ You got to be kidding me. Pero parang kagabi lang ng yari ang lahat.”
The last thing that I remember ay yung kasama ko ang bestfriend kong si Nikka at yung bampira nyang boyfriend na si Axel. Nagpanggap akong patay para hindi madamay ang pamilya ko sa nangyayaring gulo. Matapos ang lahat may mga vampire na naka-itim na bigla nalang dumating at sapilitan akong kinukuha. Nagkagulo sa buong sementeryo ng mga sandali na iyon. Lahat sila naglalaban gamit ang kanilang mga lakas habang ako ay takot na takot at di malaman ang gagawin. Naalala ko nga pala nung bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit. Yung tipong para kang mababaliw sa sobrang sakit ng ulo mo at para kang sinisiliban ng apoy sa sobrang init ng katawan mo. Hanggang sa wala na akong maalala.
“ Minah bahagi ka ng nakaraan. Sa ayaw at sa gusto mo mauulit at mauulit ang mga nangyari.”
Napatingin ako ng diretsyo sa kulay green na mata ni Twyla. She was deadly serious. Hindi ko inakala na ganito kaseryoso ang pinasukan kong gulo.
“ What do you mean?”
“ hundred years ago. Mayroong namamahala sa buong vampire community. Si King Wolfram isa syang malupit na hari na ang tanging tingin sa mga tao ay pagkain. Lingid sa kanyang kaalaman umibig si princess Serafin sa isang vampire hunter. Nagtago ang dalawa at nagpakalayo-layo. Nagkaroon sila ng kambal na anak. Si cassandra na isang bampira at si Leila na isang normal na tao.”
“ Paano ng yari ang ganung bagay na ang isa naging normal at isa bampira?”
“ Kahit kami hindi rin namin maintindihan kung paano nangyari ang isang imposibleng bagay.”
“ So, what happen next?”
“ Nalaman ni King Wolfram ang lahat ng nangyari. Hindi sya nagdalwang isip na patayin ang kanyang anak na si princess Serafin. Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan para patayin mismo ni Arthur ( Vampire Hunter ) si Serafin. Sapilitan nya ding kinuha si Cassandra at ginawa ang lahat para kamuhian nito ang mga mortal.”
“ Anong nangyari kay Leila?”
“ Since wala namang nakakaalam sa naging relasyon ng dalawa. Naging lihim din ang pagkatao ni Leila sa buong vampire community. Kinupkop sya ng mga mortal at itinuring na parang sariling dugo. Nagpatuloy na maayos ang lahat. Nag-silbing babala sa mga vampire ang nangyari. Mas naging malupit si King Wolfram at madami syang inosenteng tao na pinatay. “
“Ano naman ang kinalaman ko dun?”
“ Nagkaroon ng pamilya si Leila. Pero nagbago ang lahat ng naging 18 years old na sya. Ang dugo ni Serafin na nananalaytay sa kanya ang nagpabago ng lahat. Naging isa syang malakas na bampira. Naghiganti sya kay Wolfram at napatay nya ito. Bago pa man muling mabuhay si Wolfram ikinulong na ito sa isang vault na lihim sa lahat. Nagkaroon ng kaguluhan na nagdulot sa Vampire war. Lumisan ang iba sa mga Vampire council na kaalyansa ng hari kasama na din si Cassandra. Ang iba naman ay nanatiling ipagtanggol ang isla.”
“ Ibig mo bang sabihin nagmula ako sa lahi ni Leila? Yung sumpa na madalas sabihin nila Papa at yung nangyari kila mama at sa mga lola ko ay parte pa din ng nangyari sa nakaraan. Tell me, sinadya silang patayin ng mga bampirang nakaitim.”
“ Tama ka minah at maaaring mangyari sa iyo ang nangyari sa mga mahal mo sa buhay kung hindi ka agad nakuha nila Axel. “
“ My gosh!! This is crazy.”
“ Don’t worry minah. Gagawin namin ang lahat para protektahan ka sa kanila.”
Ramdam ko pa din ang panginginig ng mga tuhod ko mula sa mga nalaman ko. Napa-yakap nalang ako kay Twyla ng mahigpit. Sa ngayon ipagkakatiwala ko sa kanila ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Mischievous Vampire : Completed
VampiriMinah was just a ordinary teenage girl. She's famous, rich, beauty with brains and have a good family. Her life was almost perfect , happy and contented. Not until her 18th birthday. She become something she thought did'nt excist. A VAmpire!! Now t...