Chapter 31: The awakening of the great king of Vampires.

1.9K 23 0
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong kinakalas ang kadena sa mga kamay at paa ko. Nakatulog pala ako sa pag-iyak. Akala ko ay papakawalan na nila ako pero hindi pala dahil inilabas lang nila ako ng silid tsaka ipinunta sa labas ng 4 storey na bahay na gawa sa bato.

Lumingon ako sa paligod at gusto kong mangilabot sa dami ng masasamang bampira na nakapaligid sa isang bonfire. Nakita ko din ang kalagayan ng mga kaawa-awang mga mortal sa sinapit ng mababangis na bampira.

Nakakakilabot ang katahimikan ng tuluyan na kaming makapunta sa medyo may kataasan na lugar. Napapalibutan kami ng nagsisitaasan na puno sa paligid. Kahit sabihin pang hindi na ako naka-kadena ay hindi ko pa din magawang makatakas dahil katabi ko ngayon sa kanan ko si Tyler at sa kaliwa ko naman si Joshua.

Bahagya nila akong tinulak palapit kay Cassandra. Ang babaeng minahal ni Krause. Nagkatitigan kami ng matagal bago sya nagsalita.

“ Gamitin mo ang kapangyarihan mo para buhayin si King wolfram.”

Walang gatol na sabi nito.

“ Hindi ko gagawin ang gusto mo.” Paasik na sabi ko.

“ Ganun ba? Edi okey lang sayong patayin ko sila.” Itinuro nito ang kinaroroonan ng mga mortal kaya naman nanlalaki ang mga mata ko.

“ Hindi mo gagawin yun sa kan----.”

Hindi pa ako natatapos magsalita ng senyasan nitong patayin yung binatang mortal at walang kahirap-hirap itong pinaslang ng isang bampira. Napasigaw ako dahil doon at mas lalo namang lumakas ang iyak ng mga tao.

“ Gusto mo bang pumatay pa ako para malaman mong hindi ako nagbibiro?.”

“ Napakasama mo. Hindi ko alam kung ano nakita sayo ni krause para mahalin ka nya ng ganyan.”

“ Wala akong pakialam sa kanya. Gawin mo ang pinaguutos ko.”

Sinabunutan nya ako papunta sa isang lamesa kung saan may nakalagay na bangkay or should I say buto-buto. Gusto kong masuka sa nakikita ko.

“Darating ang panahon na maiisip mo kung gaano ka nya minahal at kung paano mo yun sinayang Cassandra.”

“ Wala akong pakialam!!.”

Pikit-mata kong ginawa ang makakakaya ko para buhayin ang kalansay na si King wolfram. Alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko maatim na makitang unti-unti silang namamatay ng dahil sakin.

Unti-unti ng nagkakaroon ng mga laman ang kalansay hanggang sa maging isang buong tao ito. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at nakita kong lumuhod ang mga bampirang kalaban. Pagbibigay galang sa dating hari. Samantalang ako naman ay hindi maialis ang paningin dito at hindi man lang maihakbang ang mga paa. I was stuck with him. I can’t move. I’m scared and I’m getting goosebumps.

“ Ikaw ba ang bumuhay sakin?.” Tanong nito ng puno ng autoridad ang boses.

“ Lumayo ka sa akin.”

Doon ako biglang natauhan kaya naman tumakbo ako palayo sa kanila.

“ Habulin nyo sya!!.” Sigaw ni Cassandra.

Naabutan ako ni Tyler but before he used his powers to me nagawa ko ng dukutin ang puso nya.

I was shock and confused at the same time but still tumakbo pa din ako ng tumakbo palayo sa kanila.

****

Maki __P>O>V

Sa wakas nakarating na din kami dito. Nagkasundo kami nila Nap at krause na maghiwa-hiwalay para mas madali naming mahanap si minah. Kapag nakita na namin si minah ay magpapadala kami ng signal sa isa’t-isa using mind transmission. Pero hindi namin pwedene basta-basta nalang gawin yun dahil baka masagap din ang signal ng mga kalaban.

Mischievous Vampire : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon