2nd Lie

7.4K 266 8
                                    

NAKAKUNOT ang noo ni Riri habang nagbabasa ng sales report sa isa sa mga main branch ng toy store nila. Nagpapatakbo ng isang malaking toy company ang pamilya nila. Sa kasalukuyan, ang Ate Ria niya ang presidente niyon.

Siya naman, simula pagkabata ay sinasama-sama na ng Ate Ria niya sa mga factory at store ng kompanya nila. Balang-araw daw kasi ay isa rin siya sa mga magpapatakbo niyon kaya sinasanay na agad siya nito sa responsibilidad na sasaluhin niya kapag nasa tamang edad na siya. Dapat ay si Ate Rita ang magiging presidente ng kompanya dahil ito ang panganay sa kanilang magkakapatid, pero matagal na nitong isinuko ang karapatan nitong mamuno dahil wala itong interes sa corporate world.

Kaya sa kanya nag-focus ang mga magulang at ang Ate Ria niya para matulungan niya ito pagtuntong niya sa tamang edad. Iyon din ang dahilan ng daddy niya kung bakit pinag-aral nito sa Amerika si Rara at kung bakit gusto nitong ilipat ng school si Ryder. Gusto ng ama niya na makatulong niya ang mga pamangkin niya sa pagpapatakbo ng family business nila. Sila raw kasi ang "future" ng kompanya.

'Yon din ang dahilan kung bakit kahit seventeen pa lang siya ay tumutulong na siya sa pagpapatakbo ng main branch ng toy store nila.

"... class dismissed."

Umangat ang tingin ni Riri sa harap ng classroom. Palabas na ang teacher nila at nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya.

Aaminin niyang hindi siya nakinig sa klase. Nag-take notes naman siya kanina, pero nang na-realize niyang napag-aralan na nila 'yon sa dati niyang school, huminto na siya at nagbasa na lang ng sales report. Kahit huminto siya ng isang taon, fresh pa rin lahat 'yon sa isip niya.

Nagpaalam naman siya sa teacher kanina na kung puwede ay magtrabaho muna siya dahil advance naman ang na-take ng lessons sa previous school niya. Pumayag naman ito.

Binalingan niya si Ryder na katabi niya. "Break time na ba?"

Tumango si Ryder. "Oo, Auntie. Kaya iligpit mo na 'yang laptop mo."

"Oh. Okay," sagot naman Riri, saka binalik sa bag ang laptop niya. Pagkatapos, si Ryder ang nagbitbit niyon. Habang naglalakad sila sa pasilyo, tinext na niya si Kuya M. Tinanong tuloy siya ng pamangkin niya kung nasaan ang tito nito. "Eh kasi bantayan niya tayo, nakisuyo ako kay Kuya M na ibili ako ng mga kulang kong school supplies do'n sa nadaanan nating bookstore. Kesa naman mainip siya sa pagbabantay sa'tin. Wala namang masamang mangyayari sa'tin dito, saka wala namang may alam na anak at apo tayo ng isang senador."

"Buti pumayag si Tito M," sabi ni Ryder na tito si Kuya M dahil kapatid ito ng daddy nito. "Eh alam mo naman 'yon, mahigpit magbantay."

"Sanay na si Kuya M sa'kin. Alam naman niyang ayokong nakabantay siya sa'kin oras-oras. Kabisado niya ko kaya siya lang ang nagtagal bilang bodyguard ko," katwiran ni Riri, saka binulsa ang phone niya. "Pabalik na raw siya. Hintayin na lang daw natin siya sa car space."

"Hindi niya ginamit ang kotse mo?"

Umiling si Riri. "Masikip daw kasi ang parking sa tapat ng bookstore, saka baka raw mapag-trip-an ang kotse ko ng mga street children do'n, kaya iniwan na lang ni Kuya M dito sa school. Anyway, nakapag-bonding na ba kayo ng tito mo?"

"Hindi pa masyado. Nakapag-kuwentuhan kami, pero umuwi rin agad si Tito sa bahay niya dito sa Bulacan, eh. Do'n lang naman siya nakatira sa kabilang barangay."

Tumango si Riri. Hometown 'yon nina Kuya M kaya nga natuwa ito nang malaman do'n siya mag-ta-transfer. 'Yon din ang dahilan kung bakit ang arrangement na napagkasunduan ay uuwi sa gabi si Kuya M at pupunta na lang sa umaga para ihatid siya sa school. "'Di bale, wala naman akong pupuntahan sa weekend kaya puwede kayong makapag-bonding ni Kuya M."

Miss Lie DetectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon