17th Lie

3.6K 181 1
                                    

"AALIS ka na?" gulat na tanong ni Riri kay Stranger matapos nitong magpaalam sa kanya na uuwi na.

Tumango si Stranger. Blangko ang mukha nito. Para bang bad mood ito. "Palabas ka na rin naman ng ospital, 'di ba?"

"Hindi ka ba sasama sa paghatid sa'kin pauwi? 'Di ba, ikaw ang driver ko?"

Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Stranger. "Are you for real? Nakita mo ba kung gaano karaming bodyguard ang nagbabantay sa labas ng kuwarto mo? Saka sa tingin mo ba, papayag ang daddy mo na isang hamak na estudyanteng tulad ko lang ang magmamaneho para sa'yo pagkatapos ng nangyari ito? Na kung tutuusin, kasalanan ko. Kung hindi dahil sa pakiusap mo, malamang hindi na ko pinapapasok dito ng mga bantay mo."

Napasimangot si Riri. "Bakit galit ka?"

Bumuga ng hangin si Stranger, masama pa rin ang timpla ng mukha. "Look, me being here is making your friends uncomfortable."

"With "my friends," do you mean Thunder and... Tita Sarah..." Napalunok si Riri bago nagpatuloy. "Your mom?"

Nagtagis ang mga bagang ni Stranger, pero alam niyang hindi para sa kanya ang galit nito. "She hates seeing me, Riri. Kaya aalis na ko. Magkita na lang tayo sa school kapag puwede ka nang pumasok uli."

"Does... does your mom really hate you?" nag-aalangang tanong ni Riri. "Hindi kasi gano'n ang naikuwento sa'kin ni Thunder..."

"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit 'Stranger' ang ipinangalan sa'kin ng nanay ko?"

Natigilan si Riri. Ngayon lang niya na-realize 'yon...

"My mother is a cold womanwho puts up a good front to gain sympathy from other people, especially from her new family," malamig at deretsong sabi ni Stranger. "Bakit ba parang hirap na hirap kang paniwalaan 'yon?"

"I just can't believe that there's a mother who can't love her own son..."

"Well, you haven't met my mom yet," mapait na sagot ni Stranger. "You can tell if I'm lying or not, right?"

Hindi nakasagot si Riri. Hindi pa kasi niya masabi kay Stranger na hindi tumatalab dito ang special ability niya.

"Kung gusto mong mas makasiguro," pagpapatuloy ni Stranger nang hindi siya nakasagot agad. Mapait pa rin ang boses nito, halatang galit. "Bakit hindi siya mismo ang tanungin mo tungkol sa'tin? Actually, why don't you do that? Nang makita mo kung ga'no kagaling umarte ang babaeng 'yon."

"Stranger..."

Sa totoo lang, hindi alam ni Riri ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi kasi siya makapaniwala na may isang ina na hindi magagawang mahalin ang anak nito. Alam niyang napakahirap ng pinagdaanan ni Tita Sarah nang mapagsamantalahan ito. Pero inosente si Stranger. Wala itong kinalaman sa kasalanan ng ama nito.

Tumayo na si Stranger mula sa kinauupuang stool. "Aalis na ko. Kitakits na lang."

Hindi alam ni Riri kung ano'ng nangyari sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ni Stranger para hindi ito umalis. Tumingin ito pababa sa kanya, nakakunot ang noo. Nakaramdam siya ng kaba, pero pinandigan na niya ang ginawa niya. "Stay. Please."

Kumunot ang noo ni Stranger, pero napansin niyang nawala na ang galit sa mga mata nito. "Why?"

Nag-init naman ang mga pisngi ni Riri. Gusto sana niyang bitawan ang kamay ni Stranger, pero nang pisilin nito ang kamay niya, bigla siyang nagkaro'n ng lakas ng loob na maging honest. "Ayoko lang umalis ka. Hindi ko rin alam kung bakit."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Stranger. Sa wakas, umaliwalas din ang mukha nito. "You have to let me go. I can't smoke when you're around me. Alam mo bang simula no'ng dumating ka, hindi na ko nagyoyosi? Ayoko kasing palanghapin ka ng usok mula sa sigarilyo ko. But I'm really stressed right now, Riri. I need to light a stick or else, I'm gonna go crazy."

Miss Lie DetectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon