PAGKATAPOS ng uwian, dumeretso si Riri kasama ang bago niyang barkada sa karenderia ni Lola Sinang para mag-merienda ng palabok.
Tatlong araw na rin simula nang ma-reveal kina Stranger, Disc, at Valeen ang tungkol sa special ability niya. Inaasahan niya na tatraidurin siya ng mga ito, pero so far ay hindi naman nangyari 'yon. Hindi pa rin pinagkakalat ng mga ito ang tungkol sa sekreto niya. Ni hindi nga binabanggit ng mga ito ang tungkol do'n kahit sila-sila na ang magkakasama.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang abutan siya ni Valeen ng kalamansi.
"Thank you," sabi ni Riri.
Umirap si Valeen. "Hmp! Basta hindi pa rin ako sumusuko sa pagiging wifey ni Stranger kahit friends na tayo," sabi nito, saka tinapunan ng masamang tingin si Stranger na katabi ni Riri. "Hubby naman. Bakit noon, kapag kumakain tayo rito sa karenderia niyo, hindi ka tumatabi sa'kin? Eh bakit ngayon, automatic na kayo ni Riri ang parating magkatabi?"
Nag-init ang mga pisngi ni Riri. Magkakasalo sila sa isang mesa. Si Stranger ang katabi niya, samantalang nasa tapat naman niya si Valeen na katabi si Ryder. Hindi pumasok sa school si Disc ng araw na 'yon kaya wala ito.
Uminom muna ng tubig si Stranger bago sinagot ang tanong ni Valeen. "Natural, eh amo ko siya. Kailangan ko siyang bantayan dahil kapag may nangyari na namang masama sa kanya, lagot na naman ako kay Kuya M."
Naalala ni Riri na galit na galit si Kuya M kay Stranger no'ng una. Pero matapos naman niyang ipaliwanag na tinakasan niya ang binata kaya nangyari 'yon, nakumbinsi naman ito na patawarin na si Stranger.
Sa tatlong araw na lumipas, si Stranger na ang nagmamaneho para sa kanya at kay Ryder. Pero siyempre, kasama pa rin si Kuya M.
"Hubby, talaga bang 'yon lang ang dahilan kung bakit lagi kang nakabuntot kay Riri?" patuloy na pangungulit ni Valeen. "Dahil lang 'yon sa trabaho mo sa kanya?"
Biglang natigilan si Riri sa pagkain. Halos hindi na siya huminga sa paghihintay ng sagot ni Stranger. Ewan ba niya, pero parang excited siya na hindi niya maipaliwanag. Kanina pa niya inuutusan ang puso niyang kumalma, pero ayaw namang makinig sa kanya.
"Siyempre, trabaho lang ang dahilan," sagot ni Stranger sa masungit na boses. "May iba pa bang rason para dumikit-dikit ako kay Riri?"
Nadismaya si Riri. Bukod sa naging sagot ni Stranger na medyo masakit, hindi pa niya malaman kung ano totoo ba ang sinasabi nito o hindi. Kung bakit ba naman kasi hindi tinatablan ng special ability niya ang lalaking 'to.
Saka bakit ka naman madidismaya? Eh talaga namang professional lang ang relationship niyo ni Stranger.
Pumalakpak si Valeen. "Salamat, hubby. Alam ko namang hindi mo ko ipagpapalit d'yan kay Riri kasi ako 'yong mas matagal mo nang ka-close."
"Kumain ka na nga lang d'yan," sabi ni Stranger kay Valeen. "Dami mong tanong, eh."
Tumikhim naman si Ryder. "Hindi ba darating si Disc?"
Umiling si Valeen. "Kanina ko pa nga tinetext 'yon. Hindi nag-re-reply. Baka wala na namang load."
"Huwag na nga natin siyang hintayin," sabi naman ni Stranger, saka binalingan si Riri. "I-a-announce ko na ang gagawin natin mamaya."
Kumunot ang noo ni Riri. "Anong gagawin natin mamaya?"
"Initiation mo," nakangising sagot ni Stranger. "Bago ka maging official member ng barkada namin, kailangan mo munang dumaan sa isang pagsubok."
Bumungisngis si Valeen, saka binalingan si Ryder. "Muntik nang maihi sa takot si Ryder last year no'ng initiation niya."
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Riri.
BINABASA MO ANG
Miss Lie Detector
Teen FictionI can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagsisinungaling sa'kin ang taong kausap ko. At kapag hinawakan ko naman ang kamay ng taong na...