29th Lie

4.9K 150 78
                                    

HINDI na napakali si Stranger simula nang kaladkarin si Riri ng kapatid nito kanina sa school. Mas lalo siyang nag-alala nang tawagan siya ni Ryder para sabihing dadalhin na ang dalaga sa Maynila bukas.

Pero sa kabutihang palad, si Ryder na rin mismo ang humingi ng tulong nila para makatakas ito at si Riri. Sa tulong nina Disc at Valeen, nakabuo sila ng plano.

Nauna nang gawin ni Valeen ang misyon nito nang pumunta ito sa bahay nina Ryder para iabot dito ang pampatulog na gagamitin ng lalaki sa mga bodyguard na nagbabantay.

Kaya ngayong gabi, sila naman ni Disc ang kumilos. Nag-aabang sa labas ng subdivision ang kaibigan niya, dala ang owner type jeep na hiniram nila sa kapitbahay. Iyon ang magiging escape vehicle nila.

Si Stranger naman ang pumasok sa loob ng subdivision. Gaya ng utos ni Ryder, naghintay siya sa park. Kapag may problema, tatawagan siya nito. Sa totoo lang, kinabahan siya na baka hindi natuloy ang plano nina Ryder at Riri na tumakas dahil nahuli na ng ilang minuto ang mga ito sa takdang oras na napag-usapan.

Kaya nang makita niya ang pagdating nina Ryder at Riri, hindi na niya napigilang lumapit ng tahimik sa dalawa...

... at yakapin ng mahigpit si Riri.

Thank God you're still here, Riri.

"Stranger."

Gusto pa sanang namnamin ni Stranger ang pagyakap kay Riri para masiguro niya sa sarili niyang hindi siya nananaginip, pero alam niyang hindi 'yon ang oras para rito. Kumalas siya dito, at pumihit-paharap sa kanya ang dalaga.

Bakas sa mukha ni Riri ang saya. Well, siguradong gano'n din naman ang ekspresyon niya ng mga sandaling 'yon.

"You're really here," parang hindi pa makapaniwalang sabi ni Riri.

Tumango si Stranger. Hinaplos niya ang buhok ni Riri. "Hindi naman ako papayag na mawala ka sa'kin ng gano'n na lang. Pero hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'to. Kailangan muna nating umalis."

"Guys?" parang nag-aalangang sabi naman ni Ryder.

"Bakit, Ryder?" nagtatakang tanong ni Riri.

"I think kay Tita Ria 'yong paparating na sasakyan."

Napasinghap ng malakas si Riri.

Bago pa makapagtanong si Stranger, hinawakan na siya ni Riri at hinila papunta sa likod ng isang malaking puno para magtago. Samantalang si Ryder naman, tumalungko at nagtago sa likuran ng mga basurahan.

May pagka-loser din talaga 'tong si Ryder minsan.

Samantalang si Stranger naman, sinamantala ang posisyon nila ni Riri. Para masigurong hindi sila makikita sa pagdaan ng kotse ng ate nito, marahang isinandal niya ang dalaga sa matabang katawan ng puno. Pagkatapos, itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo nito.

Now, she was trapped between the tree and his body.

Napangiti siya nang mamula ang buong mukha ni Riri. Kahit madilim na at tanging ilaw ng mga lampm posts na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid, lumulutang pa rin ang mukha nito dahil sa kaputian nito. Kaya kita rin niya ang pagba-blush nito.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," naiilang na sabi ni Riri.

Ngumisi lang si Stranger. Pagkatapos, inilapit niya ang mukha niya kay Riri. "Bakit kasi ang ganda mo kahit sa dilim?"

Tinakpan ni Riri ng mga kamay nito ang mukha nito. "Kapag namatay ako ngayon, kasalanan mo. Siguradong "nasobrahan sa kilig" ang magiging cause of death ko."

Natawa ng mahina si Stranger. "Sige, magpa-cute ka pa. Ibubulsa na talaga kita."

Lumabi si Riri. Pagkatapos, ipinatong nito ang kamay nito sa bibig niya. "Tumahimik ka muna. Na-di-distract ako sa mga bola mo, eh."

That time, it was Stranger who was suddenly distracted. Ang bango-bango naman kasi ng kamay ni Riri at ang lambot-lambot pa ng balat. Hindi tuloy niya napigilang halikan ang palad nito dahilan para mamilog ang mga mata ng dalaga sa gulat. Bigla rin nitong binawi ang kamay nito mula sa pagkakatakip sa bibiga niya.

Cute talaga, eh.

Naputol lang ang panunukso ni Stranger kay Riri nang huminto ang dalawang sasakyan sa harap pa mismo ng car. Sa pagkagulat niya, bumaba mula sa driver's side ng itim na kotse si Sir Indigo at kinalampag naman ang driver's side ng pulang luxury car. Mas lalo niyang ikinagulat nang bumaba mula sa sasakyan na 'yon ang Ate Ria ni Riri. Bumaba naman sa passenger's side si Tita Rita.

"Ate Ria...?" hindi makapaniwalang tanong din ni Riri na gaya niya, pinapanood din ang nangyayari.

"Magkakilala sila ni Indigo Rosales?" bulong naman ni Stranger kay Riri.

Umiling si Riri. "Hindi ko alam. Pero kinakabahan ako sa nangyayari."

Ayaw mang aminin ni Stranger, masama rin ang kutob niya. Hinawakan niya ang kamay ni Riri habang pinapanood nila ang nangyayari.

"What do you need from me, Indigo?" iritadong tanong ni Ate Ria dito sa mataas na boses.

Hinawakan ni Indigo si Ate Ria sa magkabilang-balikat. "Tell me the truth, Ria! Anak ko ba si Riri?!"

Nagulat si Stranger sa narinig niya. Mukhang gano'n din si Riri na naramdaman niyang pinisil ang kamay niya. Pero wala siyang magawa para i-comfort ang dalaga dahil siya mismo, nagimbal sa narinig niya. Pakiramdam nga niya ay na-estatwa siya. Naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa, pero wala siyang maintindihan.

"Sumagot ka, Ria!" desperadong sigaw ni Indigo. "Anak ko ba si Riri?!"

Narinig ni Stranger na napasinghap si Riri. Pero hindi niya magawang lingunin ito dahil natatakot siya. Kung anak ni Indigo Rosales ang dalaga, isa lang ang ibig sabihin no'n...

"Pa'no kung sabihin kong oo?" matapang pero bahagyang nanginginig ang boses na sagot ni Ate Ria. "Pa'no kung sabihin kong anak mo nga si Riri?!"

As soon as Stranger heard the truth, he let go of Riri's hand the same time she did. Then, they turned to each other, aghast.

"Magkapatid tayo?" sabay na tanong nina Stranger at Riri sa isa't isa.

***

Available na po ang book ng Miss Lie Detector sa PHR stores and other bookstores. Puwede rin po kayong um-order sa Precious Shop Online. Thank you

Miss Lie DetectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon