24th Lie

3.7K 142 0
                                    

NASA isang milktea shop si Riri kasama sina Ryder, Disc, at Valeen. Himbis na sa bahay, do'n sila dumeretso dahil ang inumin na 'yon ang nagpapakalma sa kanya. Mabuti na nga lang at walang kakaibang napansin sa kanya sina Ate J at Kuya M kaya pumayag ang mga ito na maghinatay na lang sa car space.

"Kalmado ka na ba, Riri?" nag-aalalang tanong ni Valeen. "Sa mahal ng ininom mong milkshake dito, dapat kalmado ka na."

Napangiti si Riri nang maaalala ang reaksyon ni Valeen kanina nang makita ang mga presyo ng mga milkshake do'n. Sa totoo lang, mura pa nga 'yon kumpara sa mga lugar na pinupuntahan niya sa Maynila. Pero naiintindihan naman niya na simple lang ang buhay do'n.

"I'm fine," sagot na lang ni Riri. "Salamat nga pala sa pagsama sa'kin dito."

"Auntie, sigurado ka bang ayaw mong magsumbong sa ginawa sa'yo ni Sir Indigo?" nakasimangot na tanong ni Ryder. "Hindi ako mapakali, eh."

Marahang umiling si Riri. "Hindi na, Ryder. Kapag nagsumbong ako, magiging malaking gulo lang ito. Okay naman na ko. Ang mahalaga, hindi natuloy ang masama niyang plano."

"Paano kung pagtangkaan ka uli niya?" nag-aalalang tanong pa rin ni Ryder.

"Nand'yan naman sina Ate J at Kuya M," katwiran ni Riri. "Walang makakalapit sa'kin kapag kasama na natin sila."

"Hindi namin aalisin ni Stranger si Riri sa paningin namin," dagdag naman ni Disc. "Babantayan namin siya. Promise."

Bumuntong-hininga si Ryder. "Alright. Ako rin, Auntie. Babantayan kita."

Ngumiti lang si Riri para hindi na mag-alala ang mga kaibigan niya. Mabilis ding nawala ang atensiyon niya sa mga ito nang makita niya ang pagdating ni Stranger. Pagpasok pa lang nito sa shop, agaw atensiyon na agad ito dahil sa tangkad ito at bulto ng katawan.

"Hubby–" Biglang natigilan si Valeen, pagkatapos ay sinulyapan nito si Riri bago nito muling binalingan si Stranger. "Stranger! Nandito kami!"

"Anong kala mo sa'kin, bulag?" masungit na sabi naman ni Stranger kay Valeen na lumabi lang paglapit ng binata sa mesa nila. Umupo ito sa tabi ni Disc at lumipad agad ang tingin kay Riri. "Hey. How are you feeling now?"

"Okay na," sagot ni Riri. "Ikaw? Kumusta ka?"

Nagkibit-balikat si Stranger. "Okay lang kung okay ka na."

"Wait lang," singit naman ni Valeen, saka ito biglang tumayo. "Ayokong masaktan kaya aalis na lang muna ako." Binalingan nito si Riri. "Dahil naiintindihan ko ang nangyari sa'yo ngayon, ipapahiram ko muna sa'yo ang hubby ko. Hiram lang, ha? Walang agawan."

"Uhm, thank you for your generosity?" natatawang sagot naman ni Riri.

Umirap lang si Valeen. "Hmmp!" Pagkatapos ay binalingan nito sina Ryder at Disc. "Tara na. Ilibre niyo na lang ako ng ice cream sa labas."

Walang nagawa sina Ryder at Disc kundi ang sumunod kay Valeen. Naiwan tuloy sina Stranger at Riri sa mesang iyon.

Bumuga ng hangin si Stranger para basagin ang katahimikan sa pagitan nila, pagkatapos ay yumuko ito. "I'm sorry, Riri."

"Para saan naman?"

"Nilagay kita sa panganib, eh," frustrated na sagot nito. "Kung hindi dahil sa paghihiganti ko, hindi ka sana mapapahamak."

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari," kaila ni Riri. "Isa pa, choice ko naman ang tulungan ka. Plano ko rin 'yong ginawa natin kanina. Wala namang may gustong mangyari 'yon. Nahihiya nga ako na hindi kita natulungan. Sorry."

Miss Lie DetectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon