Bilanggo ng Pighati
Ako nga ba'y nararapat sa nakagisnang samahan?
Samahan na akala ko'y aking kakapitan?
Ako nga ba'y bahagi ng bawat kasiyahan?
Kasiyahan na akala ko'y ako ang magiging dahilan?Bakit ako'y hindi maintindihan?
Bakit wala akong kalayaang manindigan?
Bakit lahat nalang sa akin ay puro kamalian?
Bakit hindi makita ang mabuti kong katangian?Tunay na kaligayahan ang tangi kong kahilingan.
Sana rin ako'y maintindihan.
Sana'y dinggin ang aking mga katwiran.
At patawad kung naramdaman nyo'y kayo'y aking sinaktan.
YOU ARE READING
Poetry Compilation (Eng/Fil)
PoetryNarito ang mga samu't saring tula na aking ginawa. Hango sa Ingles at Filipino.