Poetry #8

7 0 0
                                    

Sirang Himig

Sa isang kanta
Kaya kong sabihin kung ako'y masaya
Kaya kong iparating ang nadarama
Kaya kong takpan ang bawat luha.
Noon,
Masaya ako pa'g kumakanta
Masaya kong iparating ang aking nadarama
Masaya kong iparinig ang salitang "Mahal Kita".
Noon,
Kaya kong umamin sa pamamagitan ng pagkanta
Kaya kong sabihin lahat ng "Sana"
Kaya kong alisin lahat ng "Baka"
sa bawat kanta.
Ngayon,
Oo, kaya ko nga
Pero mga himig nitong kanta hindi na masaya
Dulot ng sakit na nadama
Mga mensahe nito'y binuo kasabay ang luha
Mga luhang dala ang "Sana" at "Baka"
Mga liriko'y sinulat sa malabong tinta
Sa katotohanang, minamahal kita nang mag-isa
Kaya't pasensya
Hindi ko kayang umawit ng masayang kanta
Sa katotohanang,
Tayo'y "magkaibigan lang pala".

Poetry Compilation (Eng/Fil)Where stories live. Discover now